Ipinahayag noong Martes ni Ignacio Bunye, tagapagsalita ng pangulo ng Pilipinas na umaasa ang kaniyang pamahalaan na sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kalakalan nila ng Tsina, makakapagpaliit sa negatibong epekto sa Pilipinas na dulot ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayang Amerikano. Anya, bilang isa sa mga pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, ang pagbagal ng paglaki ng kabuhayang Amerikano ay walang dudang manggugulo sa kabuhayan ng ibang bansa. Noong una, ganap na depende sa mga bansang kanluranin ang Pilipinas, ngunit sa kasalukuyan, ang malaking paglaki ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas ay nakakapagpaliit sa takdang digri sa mga masamang epekto sa Pilipinas na dulot ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayang Amerikano.
Ayon sa estatisdika na ipinalabas noong isang linggo ng Singapore, umabot sa 60.75 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Singapore noong isang taon na lumaki nang 7.4% kumpara sa taong 2006. Kabilang dito, ang pag-aangkat ng Singapore mula sa Tsina ay 31.85 bilyong Dolyares na lumaki nang 11.16% at ang pag-aangkat naman ng Tsina mula sa Singapore ay 28.9 bilyong Dolyares na lumaki nang 3.54%. Sa gayo'y, ang Tsina ay naging ika-2 pinakamalaking trade partner ng Singapore at umabot sa 10.8% ang proporasyon ng kalakalan sa Tsina sa kalakalang panlabas ng Singapore.
Ipinahayag noong Miyerkules ng China Banking Regulatory Commission na narating na ng komisyong ito at Monetary Authority ng Singapore ang kasunduan hinggil sa kooperasyon sa pagmomonitor at pagsusuperbisa sa pagkakaloob ng mga bangkong komersyal sa mga panauhin ng financing business sa ibang bansa. Ito ay palantandaang ang mga mamamayang Tsino ay maaring mamuhunan, sa pamamagitan ng mga bangkong komersyal ng bansa, sa stock market ng Singapore at fund na kinikilala ng Monetary Authority ng Singapore.
Idinaos noong isang linggo sa Beijing ang seremoniya ng paglalagda ng kauna-unahang proyekto ng paggawa ng asero ng Malaysia na nakontratang itayo ng Tangshan Iron and Steel Design and Research Institute ng lalawigang Hebei ng Tsina. Ang naturang proyekto ay nasa Palau Pinang na halos 300 kilometro sa dakong hilagang kanluran ng Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia, at ang kabuuang pamumuhunan ng proyektong ito ay umabot sa 54.2 milyong dolyares.
|