• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-29 18:39:56    
Beijing, buong lakas na pinangangalaga ang estilo at katangian nito bilang matandang lunsod

CRI
Ang Beijing ay isang bantog na lunsod na pangkasaysayan at kultural at isa ring internasyonal na lunsod. Sa proseso ng modernisasyon nito, para pangalagaan ang estilo at katangiang pangkasaysayan at kultural nito, isinasagawa ng pamahalaan ng Beijing ang walang katulad na masaklaw na pagpapabuti ng mga lumang bahay at pagbabago ng administrasyong municipal sapul nang nakalipas na mahigit 50 taon. Sa programa ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.

Magkasanib na ipinalabas kamakailan ng Beijing Municipal Commission of Urban Planning, Beijing Construction Committee at Beijing Municipal Administration of Cultural Heritage ang plano ng pagkukumpuni at pag-aayos ng lumang lunsod ng Beijing sa 2008 at mag-lalaan ang pamahalaan ng isang bilyong Yuan RMB na pondo para isagawa ang pinakamasaklaw na pagpapabuti ng mga bahay at pagbabago ng administrasyong municipal na walang katulad na sapul noong 1949. sinabi ni Zhang Jiaming, Pangalawang Direktor ng Beijing Construction Committee, na:

"Ang aming layunin sa 2008 ay pagpapabuti ng 40 kalyehon, pagpapabago ng 14 libong courtyard at pagpapaayos sa paligid ng mga mahalagang kalye, courtyard at matulaing pook, at kasabay nito'y pagpepreserba ng historikal na relikya, pagpawi ng nakatagong panganib sa seguridad ng bahay at pagpapabuti ng kondisyon ng tirahan ng mga residente."

Para pangalagaan ang estilo at katangian ng Beijing, magkasanib na itinakda ng Beijing Construction Committee at maraming departemento ng pamahalaan ang patnubay sa naturang gawain. Ang prinsipyo nito ay "preserbahan ang orihinal na hitsura at tradisyonal na estilo sa panlabas na anyo". Ang mga ginagamit na materyal sa pagkukumpuni ay dapat sumunod sa dati nitong ginawa. Ang nakaharap sa kalyeng bahagi ng mga kinukumpuning arkitekturang ito ay dapat pintahan muli. Sinabi ni Zhang Jiaming na:

"Sa buong takbo ng pagkukumpuni, mahigpit kaming sumunod sa itinakdang patnubay sa pagpaplano, material, pangangalap ng mga manggagawa ,sistema ng bambang at iba pa."