• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-29 18:42:11    
Enero ika-21 hanggang ika-27

CRI

       

Nakipagtagpo noong Martes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Pham Gia Khiem, ministrong panlabas ng Biyetnam. Noong Huwebes, nakipagtagpo rin kay Pham si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa relasyon ng Tsina at Biyetnam at sinang-ayunang palakasin ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng mga ministring panlabas ng dalawang bansa para mas mainam na maipatupad ang mga narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa bilateral na relasyon at kooperasyon sa iba't ibang larangan at mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.

Ipinahayag noong Miyerkules sa Beijing ni Tang Jiaxuan, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Biyetnam, na pasulungin ang malusog at matatag na kaunlaran ng kanilang relasyon. Winika ito ni Tang nang magkasanib na nangulo sila ni Pham Gia Khiem, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, sa ika-2 pulong ng lupong pumapatnubay sa bilateral na kooerasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Tang na ang pagpapasulong ng pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon at pagsasakatuparan ng double-win ay angkop sa estratehikong kapakanan ng dalawang bansa at pundamental na interes ng kanilang mga mamamayan at ito rin ang komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Pham na buong tatag na nananangan ang partido at pamahalaan ng Biyetnam sa patakarang isang Tsina at nasa katayuang may priyoridad ng patakarang panlabas ng Biyetnam ang pagpapaunlad ng pangmatagalang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang partido at dalawang bansa. Nakahanda anya ang Biyetnam na walang humpay na pahigpitin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komprehensibong pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan ng dalawang bansa. Narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at kooperasyon sa iba't ibang larangan sa susunod na hakbang na panatilihin ang madalas na pag-uugnayan ng mga lider ng dalawang bansa, palawakin ang kooperasyon sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, siyensiya, teknolohiya, turismo, impormasyon at iba pa at maayos na lutasin ang mga isyu sa kanilang bilateral na relasyon na gaya ng hidwaan sa South China Sea.

Kinatagpo noong Lunes sa Beijing ni Tang Jiaxuan, Kasangguni ng Estado ng Tsina si Maung Myint, espesiyal na sugo ng Punong Ministro at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Myanmar. Ipinaalam ni Maung Myint ang kasalukuyang kalagayan ng Myanmar, at ipinahayag niyang nagsisikap ang kaniyang bansa para maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon at mapasulong ang demokratikong proseso. Ipinahayag naman ni Tang na pinapansin ng Tsina ang kalagayan ng Myanmar, at matapat na umaasa ang Tsina na matatag ang pulitika, maunlad ang kabuhayan at mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Myanmar. Inenkorahe ng Tsina ang pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar na aktibong pasulungin ang prosesong pulitikal sa loob ng bansa sa pamamagitan ng nagsasariling pagsasanggunian para maisakatuparan ang demokrasya at pag-unlad sa lalong madaling panahon.

Nagtagpo noong Miyerkules sa Maynila sina Song Tao, embahador ng Tsina sa Pilipinas at Raul Gonzales, kalihim ng katarungan ng Pilipinas. Binigyan ni Song ng mataas na pagtasa ang kapansin-pansing progreso na natamo ng Tsina at Pilipinas sa kooperasyong hudisyal nitong ilang taong nakalipas at umaasa siyang patuloy na palalakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kooperasyong hudisyal, pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen, pagpapasimple ng pagpasok-labas ng tauhan at mga iba pang aspekto. Ipinahayag naman ni Gonzales na magsisikap ang panig Pilipino, kasama ng panig Tsino, para mapasulong ang kanilang pagtutulungan at pagpapalitan sa aspektong hudisyal.