Sa gitna ng palupo ay may isang dalawang palapag na mukhang pabiliyong arkitektura na pinalalamutian ng Chinese unicom, elepante at iba pa. Sa palupo ng bulwagan, may mga inukit na masuwerteng disenyo. Pagpasok ng bulwagan, makikita mo ang colored drawing sa crossbeam at pillar. Sa silangan at kanlurang panig, nililok ang mga pigura sa mga klasikal na kuwentong bayan: Eight Immortals going across the sea at iba pa.
Bukod ng bulwagang Dachengdian, may maraming grupo ng arkitektura sa Zhengzhou Confucian Temple na gaya ng Minghuanci, Xiangxianci at iba pa. sa kasalukuyan, sa tahimik na bakuran, naging silid-aralan ang mga bahay sa silangan at kaunlarang panig. Pagkaraang kumpunihin ang Confucian Temple ng Zhengzhou noong taong 2004, isinabalikat nito ang punksyon ng pagpapalaganap ng tradisyonal na kultura ng Tsina.
Muling ipinakikita ng mga silid-aralan dito ang mga pinangyarihan ng old-style tutorial school. Umupo ang mga bata sa sahig at sa harap ng bawat mag-aaral ay may isang hapag at ang mga pinag-aaralan nila ay galing sa mga tradisyonal na Confucius classic.
Naririnig muli sa Confucian Temple na nanahimik ng ilang daang taon ang tinig ng pagbabasa. Makabuluhan ito para sa bulwagang ito sa pagpapalaganap ng sinaunang klasikong edukasyon. Isinalaysay ni Mengli, isang guro doon na nagtuturo ng tradisyonal na kultura ng Tsina na,
"Mula noong Hulyo ng taong 2006, sinimulang tanggapin ng Confucian Temple ang mga mag-aaral sa tradisyonal na kultura ng Tsina, sa tingin ko, ito ay isang napakagandang tsanel para hubugin ang magandang asal ng isang tao."
|