• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-30 19:20:54    
Mga sinaunang arkitektura sa Beijing, napangangalagaan

CRI
Sa buong proseso ng pagkukumpuni, ang Beijing Municipal Commission of Urban Planning, Beijing Construction Committee at Beijing Municipal Administration of Cultural Heritage ay magpapadala ng mga tao sa mga lugar na sa ilalim ng pagkukumpuni para patnubayan at suberbisahin ang ginagawa. At may isang grupong binubuo ng 10 dalubhasa sa pangangalaga sa lumang lunsod ang susubaybay sa proyekto ng pagkukumpuni.

Ipinahayag ni Kong Fansi, direktor ng Beijing Municipal Administration of Cultural Heritage, na sa kasalukuyan, itinatag sa kabuuan ng Beijing ang 3 antas na sistema ng pangangalaga ng departamento ng pangangalaga sa mga historikal na relikya, sona ng pangangalaga sa kasaysayan at kultura at pangangalaga sa buong bantog na historikal at kultural na lunsod. Mula noong 2000 hanggang ngayon, naglaan ang pamahalaan ng 930 milyong Yuan RMB at umakit ng 5 bilyong Yuan RMB na pondo ng lipunan para sa pagkukumpuni at pangangalaga ng mga relikya at kapasin-pansin ang bunga. Sinabi niya na:

"Dapat palagiang pangalagaan ang buong lunsod ng Beijing. Nakakatagpo ng iba't ibang problema ang pagkukumpuni ng mga kourdyard at kalyehon. Ang pangangalaga sa lunsod ay papaanong maibagay ng pagpapaunlad sa hinaharap ang proteksyon ng lunsod. Tumataas ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga sa mga relisya, lumalakas ang puwersang pinansyal at lumalakas ang panawagan ng lipunan. Kasunod ng pag-unlad ng naturang tatlong aspekto, tiyak na uunlad nang malaki ang pangangalaga ng lunsod."