Mula noong ika-24 ng Enero
Maraming Pilipino ang nagtatrabaho at namumuhay sa Beijing, unti-unting nahihirati sila sa pamumuhay dito. Mahilig din sila sa maraming ulam na Tsino na gaya ng Gongbao Chicken, Spicy Boiled Fish at Beijing Hotpot. Iniibig ni Juanita ang Beijing Hotpot.
Nakikita mo dito sa Beijing ang maraming dayuhang mula sa iba't ibang bansa. Isinalaysay ni Jiessie, menager ng "Goose and Duck" na:
"Maraming tao dumadalaw sa aming bar para makatikim ng Pilipinong ulam, libas sa mga Pilipino, marami ang galing sa E.U., Australia, Britanya, New Zealand at iba pa. "
Gusto ng iba't ibang tao ang iba't ibang uri ng ulam dito, pero, ang pinakamalimit na iniorder na ulam ay Lumpiang Laguna at Sweet Chilli Sauce.
Ang Lumpiang Pilipino ay katulad na katulad ng Lumpiang Tsino, pero, ang Sweet Chilli Sauce ay typikal na lasa sa Timog Silangang Asya. Maaaring inumin pa dito sa "Goose and Duck" ang serbesang ginawa sa tahanan na may England Style at masdan ang "Super Bowl" ng E.U. sa TV. Dito makakahanap ang bawat tao na mula sa apat na sulok ng daigdig ng kasiyahan.
Ang kasayahan ay walang bansa at ang pagkain ay wala ring bansa. Dito sa maliit na bar na ito, mapapansin mo ang mga unikong katangiang taglay ng mga Pilipino na gaya ng pagkamalambing, bukas at halu-halong kultura ng mga lahi.
Umaawit si Granda ngayon ng English song at ang espesiyal na masayang Filipinong mood ay nakakatimo sa kaibturan ng puso ng lahat ng nakaprensentang bisita sa bar.
|