• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-01 19:49:46    
Spring Festival 2008: Maagang Bati Mula sa mga Tagapakinig

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.

Hindi ko alam kung meron pa sa inyo diyang hindi nakakaalam na sa darating ng ika-7 ng Pebrero, February 7, ipagdiriwang ng Tsina ang Spring Festival o higit na kilala sa atin sa Pinas bilang Chinese New Year. Ang pinakamahalagang holiday na ito ng Tsina ay katumbas ng ating Pasko sa Pinas.

Kalahatian pa lang ng Enero ay may natatanggap na kaming mensaheng pambati kaya ngayong gabi, ilan sa mga mensaheng ito na ipinarating sa pamamagitan ng voice mail, SMS at snail mail ay bibigyang-daan natin sa himpapawid.

Ayon sa Chinese calendar, ngayong taon ay Year of the Rat at sa aming telephone conversation ng private contractor na si Rodel Martinez, kasabay ng pagbati niya ng Happy New Year, sinabi niya na kahit ayaw na ayaw natin sa daga, kahit pa diring-diri tayo sa daga, sana man lang daw ay manahin natin ang liksi, talino, lakas ng loob at pagiging maagap ng hayop na ito. Ang mga ito aniya ang pangunahing kailangan para masunggaban natin ang magagandang pagkakataon para sa magandang buhay. Ang mga pagkakataong ito aniya ay nasa paligid-ligid lang.

Sabi naman ng empleado sa Maynila na si Erwin Evangelista, ang talaga raw kahulugan ng Spring Festival ay "Pista ng Masaganang Ani." Sa araw na ito, ipinagdiriwang aniya ng mga Tsino ang matagumpay na pagbubunga ng mga itinanim na binhi pagkaraan ng ilang buwang pagpapagod at paghihintay. Sana raw mag-ani ng tagumpay ang mga proyekto ng Tsina sa Pilipinas para sa kapakinabangan hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng mga Tsino na rin.

Nang tanungin ko naman ang air-conditioning and refrigeration expert na si Romulo de Mesa ng Marinduque kung ano ang wish niya para sa China, sinabi niyang sana magpatuloy sa paglago ang kabuhayan ng Tsina dahil kilala raw ang bansang ito sa pagiging generous sa kaniyang mga kapitbansa at kung magpapatuloy ito sa pag-unald, higit pang maraming bansa ang makakatanggap ng biyaya mula rito.

Maraming salamat sa inyo, Rodel, Romulo at Erwin. Ngayon, tingnan naman natin ang mga mensaheng pambati mula sa ating textmates.

Mula sa 921 630 8372: "Taun-taon isiniselebreyt na natin ang Chinese New Year. Ipinakikita nito na bahagi na ng buhay nating mga Pilipino ang kapistahang ito pati na rin ang ilang Chinese traditions and beliefs."

Mula naman sa 928 601 3479: "Sabi nila, nito raw Year of the Rat, mas lalo pang sisigla ang kalakalan sa Pilipinas dahil madadagdagan pa ang Chinese investments sa bansa at ang economic and trade tie-ups ng dalawang bansa."

At mula naman sa 921 378 1478: "Sana ngayong Year of the Rat, kung ano mang kamalasan meron tayo ay tangayin na ng hangin at gumanda ang direksiyon ng ating pamumuhay!"

Ngayon, tunghayan naman natin ang laman ng snail mail ni Estelita Agdipa ng Zambales. Sabi ng liham:

Dear Ramon,

A Very Happy Year of the Rat to One and All!

Siguradong magarbo ang inyong celebration. Kung dito malakas ang putukan sa Chinatown, eh di mas lalo na diyan.

Ngayong taon ay Year of the Rat. Wala akong idea kung ano ang tunay na papel ng daga o kung ano ang sini-symbolize nito pero naniniwala ako na ito ang magpupuno sa anumang kakulangan meron ang nagdaang taon. Ito ang unang hayop sa cycle na binubuo ng 12 animals kaya dapat simulan natin ang cycle nang maganda para umikot ito nang walang patid.

Lahat tayo ay nag-iisip ng pinakamaganda para sa Bagong Taon kaya optimistic ang pananaw ko rito. Alam ko na mababawasan ang kahirapan at kaguluhan sa mundo kung hindi man mawala nang tuluyan. Alam ko rin na darami pa ang Chinese tourists sa Pilipinas at alam ko rin na darami pa ang mga estudyante ng dalawang bansa sa isa't isa.

Maraming contribution ang inyong istasyon sa pagpo-promote ng ugnayan ng Pilipinas at China kaya hangad ko ang paglakas pa ng inyong mga programa.

Best regards ang Happy New Year sa lahat!

Estelita Agdipa
San Juan, Cabangan
Zambales, Philippines

Maraming salamat sa sulat mo, Estelita. Huwag kang magsasawa, ha? Hindi mo nabanggit sa sulat mo kung natanggap mo na iyong ipinadala kong souvenir items. Sana magustuhan mo. Okay, salamat uli sa iyo.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.