• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-04 14:41:51    
Enero ika-28 hanggang Pebrero ika-3

CRI
Kinatagpo noong Biyernes sa Phnom Penh ni dumadalaw na ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina si Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya. Sinabi ni Sihamoni na ang pagdalaw ni Yang ay lalo pang magpapasulong ng komprehensibong relasyong pangkaibigan ng Kambodya at Tsina. Ipinahayag niyang patuloy na naggigiit ang royal na pamilya, pamahalaan, parliamento at mga mamamayan ng Kambodya sa pagpapaunlad ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at nananangan sa patakarang isang Tsina. Sinabi naman ni Yang na ang taong ito ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya at mapangkaibigang taon ng dalawang bansa at idaraos ng dalawang panig ang isang serye ng aktibidad bilang pagdiriwang dito. Nananalig anya siyang magdudulot ito ng bagong kasiglahan sa relasyon ng dalawang bansa. Si Yang ay dumating kahapon ng Phnom Penh para pasimulan ang kanyang 3 araw na opisyal na pagdalaw sa Kambodya.

Sa panahon ng pagkaganap ng pananalasa ng ulan, niyebe at pagyeyelo sa maraming lugar ng Tsina, nagpadala noong Huwebes ng mensahe si Norodom Sihanouk, ama ng hari ng Kambodya, kay ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina bilang pagpapahayag ng pakikiramay at nag-abuloy ng 50 libong Dolyares sa ngalan niyang sarili.

Nilagdaan noong Biyernes ng International Enterprise Singapore at pamahalaan ng Lunsod ng Tangshan ng Lalawigang Hebei ng Tsina ang kasunduan ng estratehikong kooperasyon. Ayon sa kasunduan, komprehensibong lalahok ang Singapore sa proyekto ng Caofeidian Industrial Zone ng naturang lalawigan. Ipagkakaloob ng mga bahay-kalakal ng Singapore sa Tangshan ang pagkatig sa teknolohiya at talento sa mga aspekto ng pagdedebelop at pangangasiwa sa naturang sona, pagpapaunlad ng lunsod, pangangalaga sa kapaligiran, lohistiko at iba pa. Ipagkakaloob naman ng Tangshan sa mga bahay-kalakal ng Singapore ang patakarang preperensyal sa aspekto ng lupa, pinansyo, piskal, buwis at iba pa.

Inilagay noong isang linggo ang panulukang bato para sa isang bagong ospital sa Kunming, lunsod ng Lalawigang Yunnan sa timog Tsina. Napag-alamang lumampas sa 1.5 bilyong yuan RMB ang pamumuhunan sa konstruksyon ng ospital na ito at sa gayo'y ito ay naging proyekto ng organong medikal na may pinakamalaking pamumuhunan sa Yunnan nitong ilang taong nakalipas. Itinakda ng Yunnan na itatag ang ospital na ito bilang isang malaking komprehensibong ospital na may panggagamot, edukasyon, siyentipikong pananaliksik at pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan at maaaring magkaloob ng serbisyo sa mga bansa ng Timog Silangang Asya.

Napag-alaman ng mamamahayag mula sa bayang Menglian ng Yunnan ng Tsina na nakompleto noong isang linggo ang tulay ng Mengkang sa hanggahan ng Tsina at Myanmar at nagsimulang gamitin. Napag-alamang ang tulay ng Mengkang ay isang may 6 na arkong tulay: 134 na metro ang haba, 14 na metro ang lapad. Noong 2003, narating ng bayang Menglian ng Tsina at may kinalamang panig ng Myanmar ang kasunduan para itayo ang tulay na ito. Noong Nobyembre ng 2004, sinimulan ang pagtatayo nito. Ang kabuuang pondong galling sa sibilyan ay mahigit 4.1 milyong Yuan RMB. Ang pagkatayo ng naturang tulay ay may mahalagang katuturan para sa pagpapasulong ng palitan ng kalakal ng dalawang bansa at ng pagtatatag ng sona ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng Menglian Longhai at paggagalugad sa yaman ng turismo sa rehiyon sa hanggahan ng dalawang bansa.