Sa perya ng mga libro ng Beijing na ipininid kamakailan, ang pambansang perya ng copyright ng mga katha sa 2008 ay naging tampok nito at nagtatag ng isang plataporma para sa mga organisasyon ng paglilimbag sa loob at labas ng bansa. Narating ng tagapagtaguyod nitong Copyright Agency of China o CAC at ng mga may kinalamang organisasyon sa loob at labas ng bansa ang mga kooperasyon sa iba't ibang aytem at idinaos ang isang serye ng aktibidad ng paglalagda ng kasunduan ukol sa transaksiyon ng copyright.
Idinaos kamakailan ang taunang perya ng mga libro ng Beijing, lumahok sa peryang ito ang mga copyright agency, organisasyon ng paglilimbag at produksyon ng mga katha sa video at audio na galing sa loob at labas ng bansa. Ipinalalagay ni Duan Yuping, isang opisiyal ng National Copyright Administration ng Tsina na sa kasalukuyan, mabuti ang sistemang pambatas ng transaksiyon ng copyright ng Tsina at ibayong dagat at ito ay nagpasulong ng naturang transaksiyon. Sinabi niya na,
"Opisiyal na isinapubliko noong 1990 ang unang batas ng copyright ng Tsina at nagkabisa ito noong unang araw ng Hunyo ng taong 1991. Sumapi kami sa kombensyong pandaigdig noong taong 1992. At ang naturang batas na panloob at kombensyong pandaigdig ay nagsisilbing pundasyong pambatas ng transaksiyon ng copyrirht."
Ang CAC ay pinakamalaking ahente ng copyright ng Tsina, nitong ilang taong nakalipas, gumaganap ang nabanggit na kompanya ng mahalagang papel sa transaksiyon ng copyright ng mga libro ng Tsina at ibayong dagat. Sa panahon ng nabanggit na perya, nilagdaan ng CAC at may kinalamang panig ng Hapon ang kasunduan ng estratehikong pagtutulungan.
Sa malapit na hinaharap, magtutulungan ang dalawang panig para pasulungin ang pagpapasok ng kanilang mga katha sa kani-kanilang pamilihan at bubuo ng pangmatagalang mekanismo ng pagtutulungan sa aepeto ng paglahok sa pagtatanghal na pandaigdig ng mga libro, pagsasanay ng mga tauhan, pagdadalawan, pagsisiyasat at pananaliksik sa mga tema.
|