• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-11 17:14:41    
Kasalukuyang Spring Festival, nagtatampok sa BJ 2008 Olympics

CRI

Ang Spring Festival ang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Nasyong Tsino at itinuturing din itong pasimula ng isang bagong taon. Sa kasalukuyang pista naman, sa kanilang pagtatagayan at pagbabatian, maraming mamamayang Tsino ang taos-pusong naghahangad ding magtagumpay ang gaganaping Beijing 2008 Olympics.

Ngayong araw ang ika-5 araw ng Taon ng Daga at ang karamihan sa sambayanang Tsino ang nagtatamasa pa rin sa bakasyon ng Spring Festival. Pero, meron ding mga mamamayang Tsino ang nagsimulang magtrabaho. Si G. Feng Xiaoyue, isang bantay sa Grand Hotel Beijing, ay isa sa mga ito. Bilang isa sa mga Olympic Family Hotel, sa panahon ng gaganaping Olimpiyada, maraming opisyal mula sa Pandaigdig na Lupon ng Olimpiks o IOC at iba pang mga bansa ang manunuluyan sa Grand Hotel Beijing.

Bukod sa mga hangarin para sa kanyang mga magulang, ang lahat ng mga hangarin ni G. Feng ay may kinalaman sa gaganaping Olimpiyada. Sinabi niya na:

"Nawa'y magtagumpay ang gaganaping Olimpiks at magtamo ng tagumpay ang mga atletang Tsino. Umaasa rin akong makapagbibiyahe sa Beijing ang mga dayuhan at magtutuon sila ng pansin sa gaganaping Olimpiyada at umaasa rin akong buong-husay na maglilingkod ang aking otel sa mga panauhin mula sa apat na sulok ng daigdig."

Ang pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Tsino ay may mahigpit na kaugnayan din sa gaganaping Olimpiyada.

Bilang pagsalubong sa gaganaping Olimpiks, mahigit 30 istadyum ang naitayo sa Beijing. Kabilang dito, kahanga-hanga ang pambansang istadyum na tinaguriang Bird's Nest at National Aquatics Center dahil sa katangi-tanging disenyo at gamit na hay-tek. Sa kasalukuyang Spring Festival, maraming mamamayang Tsino mula sa iba't ibang lugar ng bansa ang bumisita sa nasabing dalawang competition venues.

Si G. Xiong Hui, taga-Qingdao, Lalawigang Shandong sa baybayin-dagat sa dakong silangan ng Tsina, ay isa sa mga bisita sa nasabing dalawang istadyum. Ganito ang sinabi niya sa mamamahayag.

"Bilang isang karaniwang mamamayan, nararamdaman ko ang mainit na atmospera ng Olimpiyada. Ito ay hindi lamang napakahalagang pangyayari para sa mga taga-Beijing, maging pambansang pangyayari rin ito. Ang gaganaping Olimpiyada ay isang pangkasaysayang pangyayari para sa Nasyong Tsino at bilang isang mamamayang Tsino, labis akong nagmamalaki rito. Kahit walang direktang kaugnayan sa palakasan o Olimpiyada ang aking trabaho, walang dudang ang gaganping Olimpiks ang siyang pangyayaring makakatawag ng aking pinakamalaking pansin ngayong taon. Umaasa akong magtatagumpay ang gaganaping Olimpiks at gayundin ang mga lalahok na atletang Tsino."

Bilang pagsalubong sa Beijing Olympics, sa kasalukuyang Spring Festival, maraming aktibidad na nagtatampok sa Olimpiyada ang idinaos sa apat na sulok ng Tsina at isa sa mga pinakapopular na porma ay pagpapalakas ng mga mamamayan ng kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.