Namumuhay ang mga procapra przewalskii, pangunahin na, sa Haiyan, Gangcha at iba pang lugar kung saan lumalago ang damo at sapat ang tubig. Makikita lamang ang mga ito sa mga lugar na maganda ang kondisyong natural at kaunti ang bakas ng sangkatauhan.
Napakahigpit ng relasyon sa pagitan ng mga procapra przewalskii at sangkatauhan kung kabisado nito ang sangkatauhan. Gayunman, mahusay na kinakalinga ng mga pastol sa lokalidad ang mga procapra przewalskii. Ngunit, di-opitimistiko ang kalagayan ng pamumuhay ng nasabing uri ng hayop, nahaharap pa rin ito sa sukdulang panganib na pagkawala. Si Ginoong Zhou Tai ay isang retiradong Tibetan hukom sa bayang Gang Cha, may espesyal na damdamin siya sa procapra przewalskii.
Noong unang dako ng 2007, sinimulang magsarbey siya sa kalagayan ng pamumuhay at pagpaparami ng hayop na ito. Ipinalalagay niyang nawalan ang mga ito ng ilang lugar para sa panginginain dahil sa pagiging lumalala ng natural na kapaligiran at kaaway nito, at higit pa, ang magkahiwa-hiwalay ang mga tirahan nito ay nagbunga sa mahirap na pagpapalitan ng gene sa pagitan ng mga kawan ng hayop na ito. Sinabi niya na,
"Nawalan ng espasyo ng pamumuhay ang mga procapra przewalskii dahil sa paglaki ng bilang ng mga tao, bagay na lubhang nagsasapanganib sa pamumuhay nito."
Sinabi pa niyang dapat ibayo pang isagawa ang hakbangin para mapalakas ang pangangalaga sa hayop na ito.
Kung maglalakbay kayo sa lawa ng Qinghai, huwag makalimutang magmasid ng pambihirang hayop na ito, at huwag bumulabog sa kanila.
|