Nang mabanggit ang fishing village, baka agad na lumitaw sa isip ng nakararaming turista ang tanawin ng nayon sa babaying dagat. Sa progrema ngayong araw, isasalaysay ko sa iyo ang isang fishing village sa kanugnog ng Lhasa, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Tibet ng Tsina.
Ang nayong Junba ay nasa silangang pampang ng lower reaches ng ilog ng Lhasa, hugpungan ng ilog ng Yarlung Zangbo at ilog ng Lhasa. Maganda ang kapaligirang natural doon at may maraming lawa na iba iba ang laki. Sa hene-henerasyon, namumuhay ang mga taga-nayong lokal sa pamamagitan ng pangingisda. Ang nayong ito ay una at tanging fishing village sa Tibet.
Ang pamumuhay ng pangingisda ng mga taga-junba ay tumatagal nang mahigit 300 taon. Ang mahusay na sining-kamay ng paggawa ng balat na balsa at umikong etnikong katangian ng balat na bapor ay bumuo ng matatanda at katangi-tangiang unikong kultura ng pangingisda ng nasyonnalidad na Tibetano.
Ang nayong Junba na naging tanging fishing village sa Tibet ay hindi lamang dahil sa kakulangan ng tubig ng Tibet kundi may isa pang mas mahalagang dahilan, alalong bagay, sa Tibet, hindi kumain ng isda ang nakararaming Tibetano. Sinabi ni Qiongda, mananaliksik ng Academy of Social Science ng Tibet na:
"Sa karaniwan, umiwas ang mga mamamayang Tibetano na kumain ng isda. Pero, hindi magkagayon ang lahat. Ayon sa talaang historikal, ang ilang lugar sa Tibet, lalong lalo na sa mga nayon malapit ng ilog na kinabibilangan ng nayong Junba, kumain ang kanilang predecessor ng isda. Sa kasalukuyan, kasunod ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Tibet, lalong lalo na sa pagiging-mas madalas ng pagpapalitan sa labas sa paglipas ng mga araw, unti-unting nakakaapekto ang mga kaugalian ng pamumuhay ng iba pang nasyonanalidad ng mga mamamayang Tibetano."
|