Sa panahon ng naturang perya, nilagdaan ng China Democratic and Legal Publishing House at isang publishing house ng Hapon ang kasunduan ukol sa pagbibigay ng una ng karapatan ng paglilimbag ng isang mabiling-mabiling librong "Natutuhan ni Yu Dan sa librong Zhuangzi" sa Hapon. Kaugnay ng dahilan ng pagpapasok ng libro ni Yu Dan, sinabi ni Eiichi Satomura, chief editor ng nabanggit na publishing house ng Hapon,
"Pagod na pagod ang kaming lahat sa trabaho, napakapagod sa loob ng aming puso at wala pa tayong oras sa pagbabasa ng mga masalimuot na libro. Hinanap ni Yu ang isang shortcut para sa aming madaling basahin at maintindihan ang mga libro ng pambansang kultura ng Tsina na gaya ng Analects of Confucius at Zhuangzi. Ang dahilan ng pagtanggap ng mga Hapones kay Yu ay tinuturan niya kami ng mga mahihirap na bagay ng tradisyonal na kultura ng Tsina."
Sa panahon ng perya, naakit ng Reader in China na isinalin sa 11 wika ang mga dayuhang organisasyon ng paglilimbag. Sa kasalukuyan, tinatalakay ng panig na may copyright ng librong ito at mga publishing house na galing sa Espanya, Italya, Pransya, Hungry, Czech at Poland ang intensyon sa kooperasyon. Inilahad ng bantog na Tsinong manunulat na si Su Shuyang ang pagkatha nito na,
"Ang librong ito ay naglalayong ipakilala sa mga dayuhang mambabasa ang mga nilalaman ng tradisyonal na kultura ng Tsina at pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng ilang libong taong kasaysayan nito. Ang inisiyal na layon ng librong ito ay para ipakilala sa mga kabataan sa loob ng bansa ang trdisyonal na kultura."
Ayon sa ulat, bukod ng CAC, may mahigit 20 copyright agency sa antas na panlalawigan at mga iba pang professional copyright agency, organisasyong kultural at indibiduwal sa Tsina ang nagsasagawa ng serbisyo bilang mga copyright agent. Ipinalalagay ng mga tauhan ng industriyang ito na ang sumisigla nang sumisiglang transaksiyon ng copyright ay nagpapasulong ng pag-unlad ng industriya ng paglilimbag at kalakalan ng copyright sa loob at labas ng bansa.
|