Isasalaysay namin sa ninyo ang kalagayan ng pagpapasulong ng lalawigang Liaoning ng Tsina ng pagdaragdag ng kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kolektibong ekonomiya.
Sa nakaraan, ang mabigat na industriya ay nagsilbing pangunahing industirya ng lalawigang Liaoning sa mahababg panahon.nitong ilang taong nakalipas, para isakatuparan ang matatag at magkabalanseng pag-unlad ng insustriya at agrikultura, ini-enkorahe ng pamahalaan ng Liaoning ang puspusang pagpapaunlad ng kolektibong ekonomiya. Sa kasalukuyan, ang mga magsasaka sa nayong Da Lishu sa lunsod ng Fengcheng, ay tumahak na sa landas tungo sa kasaganaan as pamamagitan ng pagpapaunlad ng kolektibong ekonomiya.
Ang nayong Da Lishu ay maburol at di-mabuti ang natural na kondisyon. Ngunit, sa pamumuno ni Mao Fengmei, namamahalang tauhan ng nayong ito, binago ng mga taganayon ang mga burol sa pagiging malaking prutasan na may 1800 hetaryat na saklaw. Sa tagasibol at tag-init, ikinalulugod ng mga bisita ang magandang namumukadkarang bulaklak at sa taglagas naman maaaring mamitas sila ng prutas.
Kaya maraming manlalakbay ang nagdaragsaan sa nayon ng Da Lishu para mamasiyal at mamitas. Para dagdagan ang kita ng mga magsasaga, itinatag sa nayon ang otel. Mga pasilidad ng libangan at palakasan at idinebelop ang industriya ng serbisyo. Mga ito ang nagdulot ng malaking kita para sa lokal na mamamayan.
Sa kasalukuyan, mahigit 400 pamilya sa nayong Da Lishu at ang nakatira sa gusali at mahigit 40 pamilya ang bumili na ng kotse. Si Li Qingzhong, isang lokal na magsasaka ay kabilang sa mga bumili ng kotse. Nang mabanggit ang pagbabago ng pamumuhay na dulot ng pagpapaunlad ng kolektibong ekonomiya, sinabi ni Li na:
"May 6 na tao sa pamiliya ko at ang kita bawat tao ay mga 30 libong yuan RMB bawat taon. Nagtatanim kami ng mga pungangkahoy at mga halaman gamot at iba pa. Nagiging mas mayaman sa kami ngayon."
|