Babae: Hello mga giliw na tagapakinig. Maligayang bagong taon!ito si Sarah.
Lalaki: Hello, ito si Yu Xiang. Maligayang bagong taon! Spring Festival ay pinakamahalagang holiday sa isang taon. Pero, nagaatubili pa akong puntahan para sa family reunion dinner.
B: tama, mahalaga ang family reunion para sa mga Tsino sa Spring Festival. Kaya, dapat tayo magtipun-tipon para sa isang family reunion dinner, ito ay tradisyon ng mga Tsino.
L: sa nakaraan, karaniwa'y nagkaka-hapunan ang mga Tsino sa sariling bahay nilang sa panahon ng kapislahang pantagsibol, nguni't sa kasalukuyan, naging uso na ang pagkakaroon ng hapunan sa restawran. Ang problema ngayon para sa akin ay kay rami ng pagpili, hindi pa nagpasiya akong saan maghapunan.
B: huwag mag-alala, may isang suhesyon ako. Noon, karaniwa'y mga ulam Tsino ang kinakain namin. Sa taong ito, bakit hindi namin tikman ang mga ulam na dayuhan? Dito sa Beijing, may maraming restawrang naglilingkod ng mga ulam na may lasa ng Timog Silangang Asya. At higit pa baka magkakatagpo kayo ng ropresang kasiyahan.
L: ok! Tayo na!
B: Alam ba ninyo? Sa Beijing, sa mga restawrang pinatatakbo ng mga taga-Timog Silangang Asya, ang restawrang Thai ay pinakamarami.
L: Tama, dahil ang restawrang Thai ang pinakamaaga sa mga bansa ng Timog Silangang Asiya na pumasok sa pamilihan ng Beijing. At matagumpay ang negosyo nito. Siguro, may kaugnayan naman ito sa maunlad na industryang panturista ng Thailand. Ano sa restawrang Thai?
B:ok, sa "Phrik Thai" sa Yabao Street muna tayo.
L:sige.
L:Ahha, not bad. Mukhang pumasok ako sa isang tahanan sa Thailand. Naaalaala ko ang magandang sand beach, ginintuang pagoda at mahinhing babae sa Thailand. Anu-anong esepesyal na ulam ang iniaalok dito?
B: Isasalaysay ito ni Wiwat Phetgert, boss at kusinero ng "Phrik Thai"
"Ang katangian ng pagkaing Thai ay maasim, matamis at malasa, maanghang at nakapagpapagana. Ang mga espesiyal na ulam ay Tom Yum Soup, Curry Chicken at iba pa."
B:gustong gusto ko ang mga ulam Thai, itong restawrang ito ay laging pinapuntahan ko't mga kaibigan. Nakikilala ko dito ang maraming Thai. Isa si Areewan Boonyagaad, sinabi niya na :
"Ang lahat ng materyal ay galing sa Thailand, walang deperensya kumpara sa mga ulam sa Thailand at mataimtim ang serbisyo, kaya, gusto ko dito kumain."
|