Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kumusta kay Dr. George Medina ng Nakar, San Andres at ganundin sa lahat ng mga kaibigan sa Iridium, A. Francisco, Sta. Ana, Manila. Sana okay kayong lahat diyan at salamat sa inyong suporta sa aking mga programa.
Iyan ang Counterpoint Band na nagbubukas sa ating munting programa sa awiting Pamaskong pinamagatang "Let It Snow." Recorded iyan live mula sa kanilang performance sa Swiss Hotel Beijing.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si R-A-M-O-N Jr., ang inyong loving DJ.
May kuwento si Manuela ng Bel-Air, Makati City. Sabi niya ito raw Pasig River na isa sa maruruming ilog ng bansa ay binuksan na bilang isang educational tour site para sa mga mag-aaral ng Metro Manila. Ang educational tour na ito, sabi niya,, ay nagawang mangyari sa pamamagitan ng programang Adventure in Learning ng Infocamp, Inc. at DepEd. Sabi niya, ang program na ito ay nagsisilbing alternative venue para higit pang mapahusay ang kalidad ng educational tours na isinasagawa ng halos lahat ng eskuwelahan sa lahat ng levels.
Thank you, Manny, sa information. Iyan ang gusto ko sa iyo, eh, mabilis ka sa balita.
Mula sa album na may pamagat na "Pandora", iyan ang awiting "Imbisibol na Pakpak" ni Angela Chang.
May email si Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore. Sabi niya: "Dumalo si Premier Wen Jiabao ng China sa 13th Asean Summit sa Singapore. Nagkaroon sila ng meeting ng Heads of State ng Asean at ng mga bansang Hapon at South Korea. Ipinakita rito ng Chinese Premier ang magandang hangarin ng China na matulungan ang mga bansang Asean at mga bansang involved sa nuclear issue ng North korea. Dapat purihin natin ang China sa mga hakbanging ito."
"Sana Ngayong Pasko," inawit ni Jed Madela at hango sa album na may pamagat na "Paskong Walang Katulad."
Sabi ng 0086 135 3512 5887: "Merong cooperation ang Philippines at China sa bio-fuel. Sana mag-succeed ito dahil malaking tulong ito sa mga Pilipinong mababa ang kita. Ganito ang kailangang kailangan natin ngayon."
Iyan naman si Acker Bilk sa kaniyang instrumental version ng awiting "Stardust" na lifted sa "Clarinet Moods" album.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|