Sinabi noong ika-4 ng buwang ito sa Maynila ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na nananalig siyang lalo pang palakasin ang relasyon ng Tsina at Pilipinas sa hinaharap. Winika ito ni Arroyo sa resepsiyon para sa Spring Festival na idinaos sa embahada ng Tsina sa Pilipinas. Sinabi niyang noong isang taon, natamo ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ang mahalagang progreso at lipos siya ng kompiyansa sa pag-unlad ng kabuhayan at lalo pang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Sinabi rin ni Arroyo na sa kasalukuyan, ang ilang rehiyon ng Tsina ay sinasalanta ng malubhang pananalasa ng niyebe, at pinag-uukulan ito ng pamahalaan at mga mamamayang Pilipino ng malaking pansin. Nananalig siyang tiyak na mapagtagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang kahirapan. Nauna rito, ipinadala na ni Arroyo ang mensahe kay pangulong Hu Jintao ng Tsina bilang pakikiramay at pagkatig sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa nabiktimang purok.
Nagpatalastas noong ika-14 ng buwang ito si tagapagsalita Liu Jianchao ng ministring panlabas ng Tsina na mula ika-18 hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan, dadalaw sa Tsina si Ibrahim Gambari, espesyal na tagapayo ng pangkalahatang kalihim ng UN sa isyu ng Myanmar. Sa panahon ng pagdalaw, makikipagpapalitan ng palagay ang panig Tsino sa kanya hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Myanmar, mediyasyon ng pangkalahatang kalihim ng UN at iba pa. Nauna rito, nag-usap sa telepono kagabi sina Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN at ipinalalagay nilang sa isyu ng Myanmar, dapat patuloy na patingkarin ang papel ng mediyasyon ng UN.
Ipinatalastas noong ika-6 ng buwang ito ng ministring panlabas ng Malaysya na mag-aabuloy ng pamahalaang Malay ng 1 milyong dolyares sa mga lugar ng Tsina na apektado ng kalamidad. Bukod dito, naaprobahan na ng pamahalaang Malay ang pagatatag ng foundation para sa paglaban sa kalamidad ng Tsina, at ililipat nito ang mga nakolektang pondo at materiyal sa panig Tsino sa lalong madaling panahon.
Sa ngalan ng Ramkhamhaeng University, ipinagkaloob noong ika-13 ng buwang ito ni Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand ang parangal na doctor's degree sa pandaigdigang pulitika kay Zhang Jiuheng, embahador ng Tsina sa Thailand, bilang paggagawad sa kanyang natamong tagumpay sa teorya sa pandaigdigang pulitika at ginawang ambag sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Thai. Nauna rito, noong unang araw ng buwang ito, pinagkalooban din si Zhang ng special crown medal ng haring Thai, bilang paggagawad sa kanyang ambag sa pagpapasulong ng pangkapitbansaang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Thailand.
Narating kamakailan ng Tsina at Laos ang apat na kasunduang pangkooperasyon hinggil sa pangangalaga sa Asian elephant. Ayon sa Kawanihan ng Panggugubat ng Lalawigang Yunnan, ang konkretong nilalaman ng naturang apat na kasunduan ay patuloy na pagpapalakas ng kamulatan ng mga mamamayan ng dalawang bansa hinggil sa pangangalaga sa Asian elephant, pagpapalakas ng pangangasiwa sa baril sa purok-hanggahan para maiwasan ang pamamaril sa Asian elephant, magkasanib na paghingi sa may kinalamang organisasyong pandaigdig para sa pagkatig sa pondo at pagtakda ng pagdaraos sa Laos ng taunang pulong ng dalawang bansa hinggil sa pangangalaga sa Asian elephant sa taong ito.
|