Sa paligid ng lawa ng Qinghai sa Tsina, may isang uri ng hayop na matipuno at guwapo, maingat at mabilis ang kilos. Ang nasabing uri ng hayop ay antelope, isa sa mga pinakapambihirang hayop sa daigdig, at ang mga antelope na namumuhay sa paligid ng lawa ng Qinghai ay tinatawag na procapra przewalskii. Ngayon, pupunta kami sa lawa ng Qinghai para malaman ang nasabing uri ng mailap na hayop.
Ang lawa ng Qinghai na nasa dakong hilagang silangan ng Tibetan Plateau ay pinakamalaking inland saltwater lake sa Tsina. Namumuhay ang mga procapra przewalskii sa damuhan sa paligid ng lawang ito, at ito rin ang espesyal na uri ng mailap na hayop ng Tsina. Sumaklaw minsan ito sa Rehiyong Autonomo ng Inner Mongolia, Lalawigang Gansu, Rehiyong Autonomo ng Ningxia, Rehiyong Autonomo ng Xinjiang at Lalawigang Qinghai.
Sa kasalukuyan, ang paligid ng lawa ng Qinghai kung saan masaganan ang yaman ng tubig at damo ay siyang tanging tirahan ng procapra przewalskii. Isinalaysay ni Ginoong Cai Ping, forest engineer ng kagawaran ng pangangasiwa sa mailap na hayop at halaman at natural reserve zone ng Lalawigang Qinghai na,
"Pagkaraan ng pangangalaga nitong nakalipas na ilang taon, lumalaki ang bilang ng mga procapra przewalskii. Pero medyo maliit ang bilang ng hayop na ito para perminanteng magparami at mamuhay sa planetang mundo."
Ang procapra przewalskii ay nasa bingit ng pagkawala ngayon. Ang kalagayang ito ay nakatawag ng mataas na pansin ng pamahalaang Tsino at komunidad ng daigdig. Inilakip na ito ngayon sa listahan ng mga hayop sa ilalim ng first-level protection ng bansa. Inilakip naman ng Kawanihan ng Industriya ng Panggugubat ng Estado ng Tsina ang hayop na ito sa listahan ng mga hayop na kailangang-kailangan ang pangangalaga.
Upang mapangalagaan ang naturang uri ng hayop, isinagawa ng kinauukulang departamento ng Lalawigang Qinghai ang isang serye ng mabisang hakbangin. Isinalaysay ni Ginoong Gao Jingyu, direktor ng kagawaran ng pangangasiwa sa mailap na hayop at halaman at natural reserve zone ng Lalawigang Qinghai na,
"Isinagawa namin ang proyekto ng magkasamang pangangasiwa ng mga magkakapitbahay at pagsagip at pangangalaga sa procapra przewalskii, at bumuti na malaki ang kalagayan ng pangangalaga nito. Pagkaraan ng pagsisikap nitong nakalipas na mga taon, bumuti ang kalidad ng kapaligiran ng pamumuhay ng mga procapra przewalskii at may kalakihang lumolobo ang bilang nito."
|