Ang comedy ay nagtatampok sa mga pelikulang pambati sa bagong taon. Sa taong ito, marami naman ang comedy. Ang "Ming Yun Hu Jiao Zhuan Yi" ay isa sa mga ito. Isinalaysay nito ang isang serye ng pagkamalang dulot ng tatlong parehong cellphone.
Ang isang puno ng kawanihan ay napagkamalan bilang saikolohikal na dalubhasa at ang kanyang pasyente ay ang kanyang asawa. Ang tunay na dalubhasa Sun ang tumanggap ng isang tawag para puntahan ang isang salu-salo. At ang puno ng mga salarin na si Sun ay nakaligta ng pagkakataon sa pakikipagtagpo sa kanyang mga kaanib. Sa katapusan, natukalasan nilang nagkamali sila sa paghawak ng kanilang cellphone dahil pareho ang mga ito.
Isa pang pelikula ay "Chang Jiang Numero 7" na ginawa ni bantog na aktor Zhou Xingchi ng Tsina. Sa pelikula, si Zhou ay isang mahirap na tatay. Para makapasok sa paaralan ang kanyang anak na lalaki, nagpapakahirap siya sa lugar ng konstruksyon. Isang araw, nakadampot siya ng isang kakatuwang laruan mula sa basurahan. Ang laruang ito ay isang communication gadjet ng Extra-Terrestrial. Umaasa si Zhou na iisip nang mabuti ang mga manonood, sinabi niya na:
"Kailangan ng mga manonood na Tsino ang isang pelikula ng pagkaawa, ito ay pangunahing dahilan kung bakit ko ginawa ito. Isinalaysay nito ang pamumuhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ngunit hindi pangkarawinang bagay ang nangyari sa kanila. Sa tulong ng computer, ang CJ7 ay nagkaroon ng isang breakthrough, dahil sa pelikula ng Hong Kong at Asya, wala pa katulad na computer effect."
Pagkaraan ng mahigit 10 taong pag-unlad, ang mga pelikulang pambati sa bagong taon ng Tsina ay nagiging hinog na. Manonood ngayon ang publiko ng iba't ibang estilong pelikulang pambati.
|