• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-21 16:30:44    
Pag-unlad ng kolektibong ekonomiya sa kanayunan ng Tsina

CRI
Ipinalalagay ni Mao Fengmei na ang pagpapaunlad ng kolektibong ekonomiya ay pangunahing paraan para sa pagpapasagana ng mga mamamayan ng kanilang pamumuhay.

"Ang pagpapaunlad ng kolektibong ekonomiya, kabuhayan sa antas ng nayon sa partikular, ay nagsisilbing pinakamahalagahng gawain namin. Bumubuti nang bumubuti ang pamumuhay namin sa paglipas ng mga araw at walang dusa, magiging mas maaliwalas ang kinabukasan."

Sa kabila na natamo na ng iba't ibang rehiyon ng Liaoning ang maraming bunga sa takbo ng paghahanap ng paraan ng kolektibong ekonomiya at pagpapalaki ng kita ng mga magsaaga, may kahinaan pa rin ang pundasyon ng agrikultura ng lalawigan. Nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng Cri, sinabi ni Li Zhongguo, pangalawang puno ng lupong agrkultural sa Liaoning na sa ilang lugar na nakakikita ng mainam na pag-unlad ng kolektibong ekonomiya, mataas ang lebel ng kita ng mga mamamayan.

Sinabi niyang sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng agrkultura ng Liaoning ay umabot sa isang bagong pagsisimulang pangkasaysayan, at kung paaanong lalo pang patataasin ang kita ng mga magsasaka at pauunlarin ang kolektibong ekonomiya sa kanayunan ay iayus na isansa-alangalang nila.

"Dapat dagdagan ng pinansyang pampubliko ang laang-guguling sa pagkalig sa kanayunan. Sa isyu ng pag-unlad ng kanayunan, dapat magkasamang magsikap ang puwersang panlabas at panloob. Ang puwersang panlabas ay mula sa pamahalaan at lipunan, at puwersang panloob ay mula sa mga magsasakang sarili."

Sinabi ni Mao fengmei na nitong ilang taong nakalipas, sinaragdagan nang malaki ng pamahalaan ng Tsina ang laang-gugulin sa agrikultura. Sa ika-17 pulong ng partido komunista ng Tsina, iniharap ang maraming hakbangin para lalo pang katigan ang pag-unlad ng kanayunan at umaasa siyang isasakatuparan ang naturang mga patakarn sa lalo madaling panahon para aktuwal na lutasin ang isyung pinahahalagahan ng mga magsasaga.