Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kung nakikinig ka, Marjorie, Marjorie Torrejos ng St. Jones Avenue, Cebu City, parang nawawala ka na sa sirkulasyo. Wala na akong naririnig sa iyo. Okay ka lang ba diyan? Magparamdam ka naman.
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Lihim" ni Jay Chou. Ang awiting iyan ang theme song ng pelikulang may katulad na pamagat.
Ang unang SMS natin ay mensaheng pambati para sa Spring Festival. Sabi ng 917 483 2281: "Happy Chinese New Year in advance! Ngayon ay Year of the Rat at taon ng bagong adventures. Kailangang dagdagan pa natin ang sigasig para makaangat sa buhay. Dapat gayahin natin ang deskarte ng mga daga!"
Salamat sa iyo. Tama nga naman. Talaga namang mabibilis ang mga daga, eh.
Iyan naman ang magandang tinig ni Chet Baker sa klasikal na awiting "The More I See You" na hango sa kaniyang album na pinamagatang "Chet Baker: The Prince of Ballad."
Heto, galing sa Beijing. Sabi: "Expect ko ang mga bagong programa ng CRI sa Bagong Taong ito at mga bagong proyekto ng Tsina sa Pinas. Salamat sa pagtataguyod ninyo ng business partnership ng China at Pilipinas. Magaling ang inyong naiisip."
Thank you, 0086 1352 023 4755.
Mula naman sa album na pinamagatang "You Are the One," iyan ang awiting "We Belong" ni Toni Gonzaga.
SMS pa. Sabi ng 919 426 0570: "Ang Year of the Rat ay taon ng mas aktibo pang involvement ng China sa iba't ibang international affairs. Nasa magandang posisyon ang China para gawin ito. Napapapurihan ang China sa ganitong mga gawain lalo na sa peace-keeping."
Maraming-maraming salamat sa iyong tiwala.
Sabi naman ng 915 807 5559: "Sumali ako sa inyong contest. Ano na ba ang resulta nito? Sana mapanalunan ko ang first prize. Marami akong nasalihang contests sa inyo pero puro consolation prizes lang ang napanalunan ko.Sana this time iyong special prize naman."
At iyan naman ang Bread sa awiting "The Guitar Man" na lifted sa album ng grupo na may pamagat na "Bread's Anthology."
Diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|