• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-22 15:39:39    
New Year's Favorite: "Straw Mushrooms in Crab Sauce

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam ba Ninyo?

Kumusta na kayo mga giliw na tagasubaybay ng programang Cooking Show ng Serbisyo Filipino.

Sayang, lumampas na ang Spring Festival. May ilang tagapakinig kasi na nagtatanong kung ano ang magandang ihanda sa Chinese Lunar New Year.

Anyway, ang Chinese dish natin ngayong gabi ay isang Chinese New Year's favorite. Sabi ng ating guest cook, isa raw ito sa mga paboritong handa ng mga Hong Kongese at Singaporean sa tuwing sasapit ang Spring Festival at natutuhan niya ito mula sa isang kababayan na may asawang Singaporean chef.

Narito ang ating panauhing tagapagluto, si Paulene Caser. Ay--sandali, Paulene. Alam niyo, itong si Paulene ay working student. Siya ay nagtatrabaho sa isang shopping mall kung umaga at nag-aaral naman sa university--sa Adamson--kung gabi.

Sige, sabihin mo sa mga tagapakinig ang pangalan ng Chinese dish na ibabahagi mo sa kanila.

So, ang pagpipistahan natin mamaya ay Straw Mushrooms in Crab Sauce.

Sana nakikinig kayo diyan sa Denmark. Siguradong magugustuhan ninyo ang lutuing ito.

Tingnan naman natin ngayon kung anu-ano ang mga kakailanganin sa pagluluto ng Straw Mushrooms in Crab Sauce.

Ulitin natin, ha?

1 malaking lata ng straw mushrooms
75 gramo ng sariwa o nasa latang crabmeat
250 gramo ng dahon ng lettuce o litsugas
2 kutsarita ng langis na panluto
3/4 na tasa ng sabaw ng manok
Kalahating kutsarita ng malabnaw na soy sauce
1 budbod ng vetsin
1 pirot ng asukal
1/4 na kutsarita ng sesame oil
White pepper (ayon sa panlasa) at
Tatlong kutsarita ng cornflour na may halong 1/4 na tasa ng tubig

Ngayon, naritong muli si Paulene para sa paraan ng pagluluto…

Iyan, Straw Mushrooms in Crab Sauce sa kagandahang-loob ni Paulene Caser.

Thanks for your time, Paulene.

Ihanda ninyo ang inyong mga ballpen at notebook. Naritong muli ang paraan ng pagluluto:

1. Patuluin ang straw mushrooms tapos hiwain nang pahaba sa dalawang bahagi ang bawat isa.

2. Kayurin ang crabmeat sa shell tapos itabi muna.

3. Ihulog ang dahon ng lettuce sa kardero na may lamang tubig na may halong asin at kaunting mantika at pakuluan ito sa loob lamang ng dalawang minuto tapos isalin sa serving dish.

4. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang mushrooms sa loob lamang ng isang minuto. Isama ang iba pang sahog maliban sa cornflour mixture at crabmeat at hayaang kumulo sa loob ng tatlong minuto. Ihalo ang crabmeat at palaputin ang sa pamamagitan ng cornflour. Ibuhos sa nakaayos nang dahon ng lettuce at isilbi.

Ngayon, tunghayan naman natin ang liham ni Jennifer Sales ng Zambales. Sabi ng kaniyang liham:

Dear Kuya Ramon,

Happy Year of the Rat at happy cooking sa inyo!

Alam niyo, lagi akong nakaantabay sa 12.110 para sa inyong pagluluto sa himpapawid. Maganda itong naisipan ninyong ito. Natututo kami ng mga lutuing ngayon lang namin narinig ang mga pangalan at mga putaheng talaga namang kinagigiliwan ng marami.

Kung may mga kaibigan tayong Chinese diyan sa Beijing na gusto namang matuto ng mga lutuing Pilipino, nakahanda rin akong ibahagi ang aking nalalaman.

Sa tingin ko, itong programa ninyong Cooking Show ay maaring ituring na cultural affair program at magandang paraan ng paglinang ng kulturang Tsino at pagbabahagi nito sa mga Pilipino.

Umaasa ako na dadalas pa ang pagsasahimpapawid ninyo ngCooking Show at patitikimin pa ninyo kami ng iba pang masasarap na Chinese dishes.

Maraming salamat sa pag-uukol ninyo ng panahon sa sulat na ito at Happy Spring Festival sa inyong lahat.

Nagmamahal,
Jennifer Sales
San Juan, Cabangan
Zambales, Philippines

Thank you so much, Jennifer, sa iyong sulat at sa walang-sawang pagtangkilik mo sa aming Cooking Show. Sana maanyayahan mo rin ang iba pang kaibigan diyan na makinig sa programang ito. Thank you uli at God love you.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Cooking Show para sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.