Sa lunsod ng Chongqing sa Timog ng Tsina, may isang lalaking kinikilala ng maraming tao roon. Kumanta siya, kumatha pa ng mga awit. Dahil sa kapansanan sa binti, kapag kumanta, hindi lamang may dala siyang guitar, kundi kailangan pa niya ang tungkod. Lumahok siya sa iba't ibang kompetisyon ng awit at nagpalabas ng kanyang sariling album. Kahit mahirap ang pamumuhay, lagi siyang nakangiti. Siya ang Liang Fuping, ating panginoon sa programa ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyong ang kuwento niya.
Noong 1963, isinilang siya sa isang pangkaraniwang pamilya sa pampang ng Ilog Jialing ng Chonqing ng Tsina. Ang nanay niya ay isang manggagawa, masakit at siya't laging nakaratay sa kama at ang kanyang tatay ay abala-abala sa pagtatrabaho sa departemento ng daambakal. Noong 2 taong gulang, nagkaroon siya ng sakit ng polyo na nagparalisa ng kanyang kanang binti kaya hindi kaya nitong makisama sa mga maliit niyang kaibigan sa paglalaro. Dahil dito, ang musika ay naging matalik niyang kaibigan. Sinabi niyang:
"Noong bata pa, napakalakas na ng pagkahilig ko sa musika at gusto kong kumanta. Nang marinig ang isang awit, lagi akong umiisip, bakit gayong kinatha ang awit at bakit gayong kahimbing ito."
Sinamantala niya ang lahat ng pagkakataon para magsanay. Nag-aral siya ng saligang kaalaman hinggil sa musika sa paaralan. Sa tahanan, ginaya niya ang mga star singer sa pag-aawit. Pagkaraa'y lagi siyang nagsasanay sa pagkanta sa may pampang ng Ilog Jialing, 2 oras bawat araw at walang exsepsyon. Sinabi ni Liang Fuyong, kanyang kapatid na lalaki, na:
"Lagi kong sinasamahan ang kapatid ko noong panahong iyon, naligo ako sa ilog sa tag-init, kumanta siya sa may pampang. Kapag umulan, pinasan ko siya sa likod papunta."
Doon sa Ilog ng Jialing, nilikha niya ang kanyang kauna-unahang awit-ang magandang Ilog ng Jialing. Hindi siya nakalimutan ang karanasan doon para kay Liang Fuping. Kapag nakita niya ang magandang tanawin ng Ilog ng Jialing, marami siyang pinagdaramdaman.
Noong 1982, nakuha ni Liang ang kanyang kauna-unahang trabaho sa isang pagawaan. Pagkatapos ng isang tao, naipin niya ang sapat na kuwenta para bumiling ng isang guitar. Napakasaya niya nang araw ring iyon, naglaro siya nito buong araw, nang makalimutan ang pagkain. Mula roon, lagi siyang lumahok sa mga pagsasanay na musikal at mga kompetisyon ng awit at nagkamit ng maraming gantimpala.
Sa palagay ni Ajiao, asawa niya, ang depekto niya sa binti ay hindi nagsisilbing para sa sagabal ng pag-ibigan. Minahal niya ang mga awit ni Liang at mas minahal ang kanyang optimistikong pakikitungo sa pamumuhay. Sinabi niyang:
"Nabighani ako ng kanyang mga awit. Marami siyang talino at ikinararangal ko siya. Bukod dito, responsible siya, ako ang siya laging pinagmamalisakitan at ang pamilya ko."
Noong 2007, ipinalabas ang kauna-unahang album ni Liang--Balikat ng Kalalakihan. Sinabi niya na ang naturang album ay nagpapakita ng kanyang tinig mula sa kaibturan ng kanyang puso at ng kanyang totohanang pamumuhay. Sinabi niyang:
"Napakahamak ko noon at ngayo'y lipos ako ng kompiyensa sa sarili, isinara ng Diyos ang isang pinto, ngunit ibinukas niya ang isang bintana para sa akin. Kaya, pinahahalagahan ko ang bintanang ito at tinatamasa ang liwanag ng araw. Kahit may kapansanan, walang anuman."
|