• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-25 17:04:02    
Bumisita sa bayang pinanganakan ng Regong Kultura ng Tibetan

CRI
Ang mga Tibetano na namumuhay sa talampas ng Tibet-Qinghai ay lumikha ng maningning na kultura at mabungang pormang pansining. Ang Kultura ng Regong na galing sa nayong Tongren ng prepekturang autonomong Huangnan ng mga Tibetnano ng lalawigang Qinghai ay isang may impluwensiyang porma ng kulturang Tibetnano at may pitong daang taon na ang kasaysayan nito. Sa wikang Tibetnano, ang bayan at palipot nito ng Tongren ng Qinghai ay tinatawag na Regong, kaya ang kultura ng bayan na galling na purok na ito ay tinatawag na Kultura ng Regong.

Sa Kultura ng Regong, ang Tangka ay nagsisilbing isang pinakakilala at pinakamaimpluwensiyang pormang pansining nito at ang salitang Thangka sa wikang Tibetatno ay nanganghulugan ng isang uri ng balumbong pintang panrelihyon. Inilahad ni Ginoong Xihedao, bantog na artista ng Thangka sa Tongren ang kahalagahang pansining ng Thangka

"Katangi-tangi ang sining na ito. Ang pangunahing dahilan nito sa pagiging uniko ay magkaiba ang paksa, nilalaman, materyal at kaparaanan ng paggawa nito kung ihahambing sa mga ibang sining. Kung ang paksa ang pag-uusapan, ang may pangunahing kinalaman nito ay ukol sa relihiyon, ngunit, sa katunayan, ang paksa nito ay ipinakikita sa paghahanap ng harmonya, kalusugan at pagkakaisa ng sangkatauhan."

Mayaman ang paksa, gayon din ang nilalaman nito, at ang nilalaman nito ay kasangkot sa relihiyon, pulitika, kultura, medisina at iba pang larangan. Nitong ilang taong nakalipas, bilang kinatawan ng Kultura ng Regong, lumalawak nang lumalawak ang impluwensiya at saklaw ng Thangka at nakikita ninyo ang mga obra ng Thangka sa mga bansang naaapektuhan nang malalim ng Budistang kultura na gaya ng Thailand at Nepal. Itinanghal pa minsan ang mga kathang Thangka sa New York, Swiss, Paris at binigyan ito ng malawak na pagsalubong at pansin sa daigdig.

Masalimuot ang kaparaanan ng paggawa ng Thangka at ang lahat ng mga materyal nito ay galing sa likas na mineral at halaman at nang sang gayo'y hindi kukupas ang kulay nito sa mahabang panahon.

Ang nayon Wutunxiasi ng Tongren ay isa sa bayang pinanganakan ng Kultura ng Regong at may mga bantog na tao sa paggawa ng Thangka doon. Ang 28 taong gulang na si Tsering Damzhub ay isa sa mga ito. Noong 7 taong gulang pa siya ay nag-aral ng kulturang Thangka sa ilalim ng pagturo ni Puhua, isang manghe ng temple Wutunxisi at makagagawa siyang nagsasarili ng Thangka.