• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-26 10:02:04    
Pebrero ika-18 hanggang ika-24

CRI

       

Binuksan noong Araw ng Linggo sa Rizal Park sa Maynila ang ika-7 kapistahan ng tradisyonal na kultura ng Tsina at Pilipinas na magkasamang itinaguyod ng pamahalaan ng Maynila at embahada ng Tsina sa Pilipinas. Mga artista ng Tsina't Pilipinas ang nag-alok sa mga manonood ng 11 palabas na gaya ng dragon lantern dance, lion dance, magic tricks ng Tsina at puppet show. Nagpadala ng mensahe si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na taos-pusong umaasang matatamo ng kapistahang ito ang kasiya-siyang tagumpay. Anya, sa mula't mula pa'y napakahigpit ng pag-uugnayan ng kultura't tradisyon ng Tsina at Pilipinas, ang pagdaraos ng kapistahang ito ay nagpapatunay ng pagkokonsentra ng mga mamamayan ng 2 bansa sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng relasyon ng 2 bansa. Sinabi ni Song Tao, embahador ng Tsina sa Pilipinas na nasa bagong panahon ng pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon ang relasyong Sino-Filipino at napakalaki ng nakatagong lakas ng di-pampamahalaang pagpapalitang pangkultura ng kapuwa panig, gagawa ang kapistahang ito ng bagong ambag para sa pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan at pagpapasulong ng kooperasyon ng 2 bansa sa iba't ibang larangan.

       

Noong Sabado ng gabi, idinaos sa Maynila ang isang evening gala na inihandog ng sangay ng Fujian ng Tropang Pansining ng All-China Federation of Returned Overseas Chinese. Sa evening gala, may mga palabas ng opera, acrobatic, puppet show, tradisyonal na drama at iba pa at upang salubungin ang 2008Beijing Olympic Games, umawit dito si Guo Yuehua, walong beses na kampeon sa mga palaro ng table tennis ng daigdig.

Kinumpirma noong Lunes ng embahada ng Tsina sa Pilipinas na naganap kagabi sa paligid ng dagat sa kahilagaan ng Pilipinas ang insidente ng paglubog ng isang freighter ng Panama na may sakay na 28 marinerong Tsino, hanggang kaninang umaga, 26 marinerong Tsino ang nailigtas ng isang oil tanker ng Hapon sa paligid nito, at hindi maliwanag pa ang kalagayan ng 2 iba pa. Ipinadala na ng panig Filipino ang rescue group papuntang pinangyarian ng insidente at isasagawa ang imbestigasyon sa sanhi ng insidenteng ito.

Kinatagpo noong Araw ng Linggo sa Beijing ni Wang Gang, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina o CPC, ang delegasyon ng Funcinpec Party ng Kambodya na pinamumunuan ng tagapangulo nitong si Keo Puth Rasmey. Sinabi ni Wang na nitong ilang taon nakalipas, madalas ang pagdadalawan ng mga mataas na lider ng 2 bansa, walang humpay na lumalawak ang kanilang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang larangan at kapansin-pansin ang bunga. Pinahahalagahan ng CPC ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Funcinpec Party at nakahandang patuloy na paunlarin ang relasyong ito para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitan at kooperasyon ng 2 partido at makapagbigay ng mas maraming ambag para sa pagpapasulong ng malalim na pag-unlad ng komprehensibong kooperatibong relasyong pangkaibigan ng Tsina at Kambodya at komong kasaganaan ng 2 bansa.

Sa pagtataguyod ng Asosyasyon ng Artista ng Tsina, Pambansang Galerya ng Thailand at Asosyasyon ng mga Artistang Tsino at Thai, binuksan noong Huwebes sa Bangkok ang eksibisyon ng makabagong sining ng Tsina at Thailand kung saan itinanghal ang mga pintura, eskultura ng dalawang bansa.