• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-26 10:02:24    
Proyekto ng pangangalaga sa relikya ng Beijing, maalwang natapos

CRI
Maalwang natapos ang 8 taong proyekto ng pangangalaga sa relikya ng Beijing. Nitong nakalipas na 8 taon, naglaan sa kabuuan ang pamahalaan ng Beijing ng 930 milyong Yuan RMB para sa pagkukumpuni at pangangalaga sa mga relikya at kapansin-pansin ang bunga. Sa programa ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.

Ang Lunsod ng Beijing ay itinatag na mahigit 3 libong taon na ang nakararaan at nitong nakalipas na mahigit 800 taong nagsisilbi ito bilang kapital ng Tsina. Kay rami ng relikya nito at bantog sa daigdig bilang isang historilkal at kultural na lunsod. Bukod sa mga Pamana ng Daigdig na gaya ng the Imperial Palace, the Temple of Heaven at the Great Wall, may mahigit 3.5 libong pa ring di-matitinag na relikya na gaya ng mga harding royal, tirahang pangsibilyan, religious architecture at iba pa.

Sinabi ni Xu Pingfang, bantog na dalubhasa sa relikya ng Tsina, na may mahalagang katuturan ang pangangalaga sa relikya para sa pangmatagalang pag-unlad ng Beijing. Sinabi niyang:

"Mahaba ang kasaysayan ng mga lunsod sa sinaunang panahon ng Tsina at umuunlad nito kasabay ng pag-unlad ng mga sibilisasyon ng Tsina. Mahigit 50% sibilisasyong Tsino ay ipinakikita sa mga matandang lunsod at sa gayo'y ang mga matandang lunsod ay nagsisilbing pinakamahalagang pamanang historikal at kultural ng Tsina."

Sapul noong 2000, nagsimulang kumpunihin at pangalagaan ng Beijing ang mga relikya sa buong lunsod. Isinalaysay ni Kong Fansi, direktor ng Beijing Municipal Administration of Cultural Heritage, na:

"Ang pinakatampok sa naturang pagmamantine at pagkukumpuni ay pangangalaga at pagkukumpuni sa 6 na Pamana ng Daigdig. Ang pinakauna ay pangangalaga sa the Imperial Palace at mga kapaligiran nito. Hinggil sa pangangalaga sa Temple of Heaven, naglaan kami ng malaking pondo para sa paglilipat ng mga residente at kampanya sa paligid nito. Hinggil sa ZhouKouDian, inilipat ang ilang cement production streamline at inatrato ng isyu ng pagbuga ng dumi ng mga pabrika sa paligid nito. Naglaan naman kami ng malaking pondo sa pagkukumpuni sa Palasyong pantag-init at napanatili sa kabuuan ang orihinal na estilo at katangian nito."