• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-26 10:02:44    
Tongren, lupang-tinubuan ng mg artista sa paglikha ng Thangka

CRI
Sinabi ni Tsering na ang kaniyang unang guro ng Thangka ay kaniyang tiyo at ang kaniyang tatay at lalaking pinsan ay mga artista ng Thangka naman. Mahabang panahon ang kasaysayan ng kaniyang pamilya sa paggawa ng Thangka. Nang banggitin ang kanyang pag-aaral ng paggawa ng Thangka, sinabi niya na

"Kilala ang Thangka ng Regong sa daigdig. Sa isang banda, ang pagtuto ko ng naturang kultura ay para manahin at debelopin ito at sa kabilang banda naman, ay para palawakan ang aking pananaw na pansining. Nais kong buong pumalaot sa arteng ito."

May maraming pamilya tulad ni Tsering sa Tongren. Mahirap ang purok na Tongren noong unang panahon, ngunit sa kasalukuyan, ang naturang mgs artista ay hindi lamang bumago ng kanilang sariling buhay, kundi ng kalagayan ng buong purok ng Tongren. Sinabi ni Tsering na

"Sa pamamagitan ng paggawa ng Thangka nitong ilang taong nakalipas, binili ko ang dalawang kotse at pinalalakad ang isang tindahan ng Thangka. Mabuti ang aking pamumuhay at may 4 na disipulo ako."

Kasunod ng mas masaklaw na pagbukas sa labas ng purok na Tongren, kinakaharap ng Thangka ang tunguhin ng pagiging internasyonal at pagsasaindustriya. Nitong ilang taong nakalipas, nagtulungan ang pamahalaan ng lalawigang Qinghai at naturang mga artista para itatag ang training class ng Thangka sa isang mababang paaralan sa nayong Tongren. Sinabi ng isang guro ng naturang klase na

"Ang pangunahing nilalaman sa klase na itinuturo ko ay batayang kaalaman ng Thangka na kinabibilangan ng pencil sketch, pagpoproseso ng mga tela at pagtitimpla ng kulay."

Sa kasalukuyan, mahigit 2000 taong artista sa purok na Tongren, ang nagsasagawa sa paglikha ng sining ng Thangka.