Sapul noong 2003, isinasagawa ng pamahalaan ng Beijing ang 5 taong plano ng proteksyon sa mga relikya ng human Olimpics at naglaan ng 600 milyong Yuan RMB para kumpunihin ang mga matandang arkitekturang gaya ng Temple of Confucius at Imperial Academy, mga monasteryo at royal architecture.
Sa pagkukumpuni ng mga relikya, aktibong nakipagtulungan ang mga dalubhasa ng Beijing sa kanilang mga counterpart sa daigdig. Halimbawa, sa pagkukumpuni ng the Imperial Palace, nagtutulungan ang mga dalubhasang Tsino at Italyan sa colored painting at pagharap ng perte ng mga uod sa mga ladrilyo at bato. Lumahok naman ang mga dalubhasang Amerikano sa pangangalaga sa mga colored painting ng Xiannong Temple, kung saan nag-aalay ang dating mga emperador ng Tsina ng sakripisyo sa kanilang ninuno.
Natamo ng Beijing ang ilang bunga sa pangangalaga sa relikya ng Beijing. Ngunit, sinabi ni Direktor Kong Fansi na may marami pa rin dapat gawin sa hinaharap sa larangang ito. sinabi niyang:
"Ang diin ng pangangalaga sa relikya sa hinaharap ay: una, palalawakin ang saklaw ng pagmamantine; ikalawa, isasaayos ang mga kapaligiran ng relikya na di-makatuwirang ginagamit sa kasalukuyan, daragdagan ang puwersa ng mga departamento ng pangangalaga sa mga relikya, tradisyonal na Chinese quadrangle at kalyehon."
Sinabi ni direktor Kong na ang pagdaraos ng Beijing ng 2008 Beijing Olympic Games ay nagpasalong ng gawain ng Beijing sa pangangalaga sa mga relikya. Mula 2008 hanggang 2015, maglalaan bawat taon ang Beijing ng 150 milyong Yuan RMB para sa gawaing ito.
|