• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-02-28 17:37:23    
Beijing: walang dudang makaabot sa istandard ang kalidad ng hangin

CRI

Sa isang preskon na idinaos ngayong araw sa news center ng Beijing 2008 Olympic Games, sinabi ni G. Du Shaozhong, Pangalawang Puno ng Beijing Environmental Protection Bureau na tutupdin ng Tsina ang pangako nito hinggil sa pagpapalinis ng hangin ng Beijing at walang dudang makaabot sa istandard ang kalidad ng hangin ng kabisareng Tsino sa panahon ng pagdaraos ng ika-29 na Olimpiyada.

Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, palagiang nagsisikap ang munisipalidad ng Beijing para mapabuti ang kalidad ng hangin at mabisa ang mga isinasagawang hakbangin nito. Noong taong 1998, nagsimulang magsagawa ang Beijing ng mahigit 200 konkretong hakbangin bilang tugon sa emisyon ng mga sasakyang-de-motor, polusyong dulot ng mga industriya at polusyong dulot ng alikabok. Ayon sa mga datos, noong taong 2007, malakihang nabawasan ang mga pangunahing air pollutant ng Beijing kumpara sa taong 1998 at tumaas sa 246 na araw isang taon na kung kailan mabuti at malinis ang hangin mula sa 100 araw.

Sinabi ni G. Du na magsasagawa ang Beijing ng higit na mahigpit na hakbangin ng pagkontrol sa polusyon para maigarantiya ang kalidad ng hangin sa gaganaping Olimpiks. Sinabi niya na:

"Bilang tugon sa emisyon ng mga sasakyang-de-motor, magpapairal kami ng higit pang mahigpit na istandard at ipagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang-de-motor na malakas ang emisyon; pasusulungin ang pasilidad ng mga bahay-kalakal na malakas ang polusyon; pasasarhan ang mga bahay-kalakal na labis ang polusyon at pag-iibayuhin ang pagkontrol sa polusyong dulot ng alikabok sa mga construction site."

Sinabi rin ni G. Du na sa panahon ng pagdaraos ng Olimpiyada, maglilimita ang Beijing sa mga residenteng lokal na gumamit ng sariling kotse bilang transport at sa halip, hihikayatin silang sumakay sa public transport. Aniya, noong nagdaang taon, nagsagawa ang Beijng ng pagsubok dito at kasiya-siya ang resulta.

Kasabay nito, nakikipagtulungan din ang Beijing sa mga lalawigan at munisipalidad sa paligid nito para makontrol ang iba't ibang polusyon na tulad ng alikabok, emisyon ng sasakyang-de-motor at polusyon ng mga bahay-kalakal. Bilang tugon, ang mga may kinalamang lalawigan at munisipalidad ay nagsaayos na ng kanilang estrukturang pang-industriya at pinasarhan din nila ang mga bahay-kalakal na malakas ang konsumo sa enerhiya at malakas ang polusyon.

Sinabi ni G. Du na sa pamamagitan ng nasabing mga hakbangin, lipos ng kompiyansa ang Beijing na ang kalidad ng hangin ay makakaabot sa pambansang istandard at istandard ng World Health Organization sa panahon ng pagdaraos ng Olimpiyada. Sinabi pa niya na:

"Batay sa mga datos nitong ilang taong nakalipas, bumubuti ang kalidad ng hangin ng Beijing. Ayon sa mga dalubhasa sa meteorolohiya, walang dudang umabot sa istandard ang kalidad ng hangin sa panahon ng gaganaping Beijing 2008 Olympics."

Binigyang-diin din ni G. Du na magpapatuloy pa ang Beijing sa pagpapabuti ng kapaligiran maging makaraan ang gaganaping Olimpiyada.