Isasalaysay namin sa ninyo ang isang resturan na nagkakaloob ng ulam ng Indonesiya at Myanmar.
Ang ngalan ng naturang resturan ay "Java at Rangoon". Maliit ito't espesyal dito sa Beijing. Nagseserb ito ng ulam ng Indonesiya at Myanmar. Nang may nagtanong kung bakit nagbukas ng gayong uri ng restauran sa Beijing, sinabi ni Daw Di, amo ng restauran na:
"Bago mag-operasyon ang restaurang ito, walang kainan sa Berijing na magkaloob ng ulam ng Myanmar at Indonesiya, kaya, gusto kong buksan ang isang kainan na nakakaloob ng mga ulam ng kapuwa Indonesiya at Myanmar. Nagkataong pumarito sa Beijing ang aking asawa para sa trabaho, kaya,binuksan ko ang restaurang ito. Sa kasalukuyan, ang aking restauran ay tanging restauran na nagkakaloob ng mga ulam ng kapuwang Indonesiya at Myanmar. Mangyari pa, bihikan ako sa 2 uri ng ulam na ito.
Nang mabanggit ang ulam dito, tiyak na gusto mong makatikim ng mga ito. Isinalaysay ni Daw Di ang mga espesyal na ulam dito:
"Sa aking restauran, may mga ulam ng Indonesiya at Myanmar. Gustong-gusto ang papaya salad ng higit na nakararaming bisita, tinatanggap ang nasi goreng ng mga estudyante ng Inodensiya sa Beijing. Bukod dito, dumadalaw dito ang maraming Tsino na nakabisita minsan sa Myanmar at Indonesiya para matikman ang mga espesyal na ulam."
Sa restaurang ito, malaki ang plato't puno ng laman. Dito, makapagpapasasasa sarili ang mga panauhin na bihikan sa ulam ng Indonesiya at Myanmar. Kaugnay ng tanong kung orhinal o hindi ang ulam dito, gayon ang sagot ni Kyaw Lwin Oo, kusinero sa Myanmar.
"Ilang sangkap ng ulam, halimbawa ang pabango ay hindi matagpuan dito sa Beijing. Sa kasong ito, humingi kami sa mga kaibigan sa Myanmar na padalhan kami ng mga ito. O bumili kami sa ilang restaurang Thai dito sa Beijing. Gagawin namin ang lahat ng magagaaw para magluto ng orihinal na ulam."
Nang kumain kami sa restaruran, may isang espesyal na panauhin ang dumating. Siya ay lin Peng, manager ng isang Publik Relationship Company. Pumarito siya rito hindi para kumain kundi mag-anyaya ng kusinero.
"Idaraos namin ang isang aktibidad hinggil sa pagpapalaganap ng kultura ng Indonesiya at mangangailangan kami ng isang kusinero para magluto ng ulam ng Indonesiya."
Ayon sa salaysay ng waiter dito, may maraming kompanya at otel ay pumarito para mag-anyaya ng kusinero. Dahil ito ay tanging kainan na nagseserb ng mga ulam ng Myanmar at Indonesiya sa Beijing, may maraming panauhin ay magsadya dito para magpasasa. Ngunit, karamihan sa mga bisita dito ay hindi mula sa Myanmar at Indonesiya, kundi ay galing sa pransya at Alemanya1
Gustong-gusto ng mga kaibigan mula sa iba't ibang bansa ng daigdig na matikman ang mga ulam ng Timog Silangang Asya. Sinabi ni Daw Di na tumanggap pa siya ng order sa panahon ng Spring festival, ipinalalagay niyang baka umaasa ang mga mamamayan ng Tsina na makakatikim ng bagong resipe ng ibang bansa sa tradisyonal na Spring Festival.
|