Magandang-magadang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Happy Fiesta sa mga nagdaraos ng kapistahan diyan sa Maynila at iba pang dako ng Pilipinas at Happy Birthday sa mga nagdiriwang ng kaarawan. Hahaha, sabi nila wala raw akong masabi. Haaay, naku.
Mula sa album na may pamagat na "Style Ko, Baguhin Mo," iyan ang awiting "Mga Dahong Lagas" ni Wong Lee Hom.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Meron tayong ilang SMS. Sabi ng 921 630 8372: "Taun-taon, isini-celebrate na natin ang Chinese New Year.Ipinakikita nito na bahagi na ng buhay nating mga Pilipino ang mahalagang kapistahang ito at pati na rin ang ilang Chinese traditions and beliefs."
Thank you. Mamaya naman iyong iba.
Mula naman sa album na may pamagat na "Diamonds and Rust," iyan ang sariling version ni Joan Baez ng awiting "Never Dreamed You'd Leave in Summer."
Tingnan naman natin itong SMS mula sa 928 601 3479: "Sabi nila, nito raw Year of the Rat, mas lalo pang sisigla ang kalakalan sa Pinas dahil madadagdagan pa ang Chinese investments sa bansa at ang economic and trade tie-ups ng dalawang bansa."
Father and daughter tandem, Nat and Natalie Cole, sa awiting "Unforgettable" na buhat sa album na may pamagat na "Timeless." Iyang album na iyan ay kay Sergio Mendes.
Sabi ng 921 378 1478: "Sana ngayong Year of the Rat, kung ano mang kamalasan mayroon tayo ay tangayin na ng hangin at gumanda ang direksiyon ng ating pamumuhay."
Mula naman sa 919 302 3333: "Dapat talagang Spring Festival ang itawag sa Chinese New Year dahil ito ay celebration of good harvest. Ngayong taon, dapat ipagdiwang ng China ang mga tagumpay na ani nito sa kalakalan at kabuhayan nitong nagdaang taon. Happy Spring Festival!"
Iyan naman sina Chris Rhea at Elton John sa awiting "If You Were Me" na hango sa album ni Elton na may pamagat na "Duets."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|