Dear Kuya Ramon,
Happy Year of the Rat at happy cooking sa inyo!
Alam niyo, lagi akong nakaantabay sa 12.110 para sa inyong pagluluto sa himpapawid. Maganda itong naisipan ninyong ito. Natututo kami ng mga lutuing ngayon lang namin narinig ang mga pangalan at mga putaheng talaga namang kinagigiliwan ng marami.
Kung may mga kaibigan tayong Chinese diyan sa Beijing na gusto namang matuto ng mga lutuing Pilipino, nakahanda rin akong ibahagi ang aking nalalaman.
Sa tingin ko, itong programa ninyong Cooking Show ay maaring ituring na cultural affair program at magandang paraan ng paglinang ng kulturang Tsino at pagbabahagi nito sa mga Pilipino.
Umaasa ako na dadalas pa ang pagsasahimpapawid ninyo ng Cooking Show at patitikimin pa ninyo kami ng iba pang masasarap na Chinese dishes.
Maraming salamat sa pag-uukol ninyo ng panahon sa sulat na ito at Happy Spring Festival sa inyong lahat.
Nagmamahal, Jennifer Sales San Juan, Cabangan Zambales, Philippines
|