Mga sangkap
300 gramo ng lomo ng baboy 100 gramo ng green peppers 5 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 10 gramo ng mixture of cornstarch and water 100 gramo ng langis na panluto 1 puti ng itlog 10 gramo ng shaoxing wine 25 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang lomo ng baboy sa pirasong 6 na sentimetro ang haba at 0.3 sentimetro ang lapad at kapal. Ilagay sa mangkok. Lagyan ng 1 gramo ng asin at haluin hanggang maging malagkit. Lagyan ng puti ng itlog at tuyong cornstarch at haluing mabuti. Hiwa-hiwain ang green peppers sa pirasong kasinlaki ng lomo ng baboy.
Initin ang langis na panluto sa temperaturang 110 hanggang 135 degree centigrade at igisa nang mabuti ang piraso ng karne. Hanguin at patuluin.
Ilagay ang 25 gramo ng langis na panluto sa kawa at igisa sa loob ng isang minuto ang mga piraso ng green peeper. Lagyan ng hiwa ng lomo ng baboy, shaoxing wine, asin, vetsin at tubig at pakuluin. Lagyan ng mixture of cornstarch and water para lumapot ang sauce. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: puti ang karne na may kaunting kulay na murang rosas at luntian ang green peppers na kaakit-akit sa mata. Lasa: malambot ang karne at malutong ang green peppers. May kaalatan ang lutong ito.
|