• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-05 20:41:37    
Mga antigong gusali ng Xuecheng

CRI
Isasalaysay ko sa iyo ang antigong gusali ng Xuecheng ng Potala Palace ng Tibet. Sa wikang Tibetano, ang "xue" ay nangangahulugang sa ilalim, lalong lalo na tumutukoy ng nayon at bayan sa paanan ng kastilyo sa bundok. Ang Xuecheng ay pangalan ng grupo ng mga arkitektura sa paanan ng Potala Palace. Ang Xuecheng ay bahagi ng grupo ng arkitektura ng Potala Palace, kasintagal ang kasaysayan nito ang Potala Palace.

Sumasaklaw ang Xuecheng ng mga 50 libong metrong kuwadrado, ang mga pangunahing gusali ay kinabibilangan ng tanggapan ng dating pamahalaang lokal ng Tibet, bahay ng mga monk at nobleman, bahay ng mga manggagawa, craftman, handyman at mga imprastrukturang pangserbisyo. Sinabi ni Danzenglangjie, pangalawang direktor ng kawanihan ng cultural relics ng rehiyong awtonomo ng Tibet na:

"Ang Xuecheng ay isang bahagi ng world cultural heritage ng Potala Palace na may napakayamang nilalaman ng arkitektura at kultura at ang mga ito ay isang malinaw na pagpapakita ng mga mamamayan sa paglikha ng kasaysayan at nagsisilbing pangunahing materyal-katibayan para sa pagkauawa ng lipunan, kabuhayan, kultura ng lumang Tibet at isa rin maliit na modelo sa pagpapakita ng Feudal Serf System ng lumang Tibet."

Nitong ilang taong nakalipas, naglaan ang mga may kinalamang departamento ng halos 70 milyong yuan RMB para sa pangangalaga at pagkukumpuni sa 22 antigong gusali ng Xuecheng, gumawa ng plano ng pangangalaga at paggamit sa Xuecheng ng Potala Palace. Nangalap at bumili ng mahigit 1 libong cultural relics mula sa mga mamamayan at nakolekta ang mahigit 330 iba't ibang uri na larawan.

Napag-alaman, pagkaraan ng kauna-unahang proyekto ng pagkukumpi sa Xuecheng, binuksan sa labas ang 11 antigong gusaling gaya ng tanggapan ng lumang pamahalaang lokal ng Tibet, bilangguan, execution place, bahay ng ilang mataas na opisyal at nobleman. Hnihikyat nito ang maraming turista.