• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-06 15:57:51    
Dance of the Golden Snake, Collection of Chinese Traditional Music

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ng mga kaibigan sa Pandacan, nagdiwang daw sila ng Chinese New Year kasama ng mga kaibigang Tsinoy. Marami daw pagkain at inumin. Bongga daw ang celebration.

Sigurado ba kayo na hindi kayo nasobrahan ng inom?

Narinig ninyo ang tugtuging "Three, Five, Seven," pambungad na bilang, na isa sa mga track ng "Collection of Chinese Traditional Music" ng China Radio International.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

SMS mula sa 917 351 9951: "Sabi ng mga Feng Shui expert, maganda raw ang direksiyon ng mundo ngayong taon dahil masuwerte raw ang daga. Para sa akin depende sa daga. Kung iyung maliit na puti na may mahabang buntot o iyong checkered, baka pa. Hindi iyung nagbubungkal sa kusina."

Thank you. Wala akong idea kung aling daga ang masuwerte.

Iyan naman ang "Dance of the Golden Snake" na mula pa rin sa CRI's "Collection of Chinese Traditional Music."

Heto, tungkol sa tikoy. Nakatanggap na ba kayo ng tikoy? Sabi ng 919 648 1939: "Gusto kong malaman, Kuya, kung ano ang tawag ninyo sa tikoy diyan sa Beijing. Ano ba ang sinisimbolo nito? Dito sa Pinas, kung Chinese New Year, ang mga Chinese ay nagbibigay ng tikoy sa kanilang mga kaibigan. Masuwerte raw ito sa mga nakakatanggap."

Salamat sa SMS. Alam mo hindi ko alam kung ano ang tawag nila sa tikoy dito sa Beijing. In the first place, walang tikoy dito. Sa southern China lang meron niyan. Nasisiguro ko na wealth and happiness ang sinisimbolo niyan.

Mula pa rin sa collective album ng China Radio International, iyan ang tradisyonal na tugtuging "Higher with Every Step."

Ilang SMS pa. Sabi ng 919 651 1659: "Sana lalong sumigla ang inyong Gabi ng Musika ngayong taon. Magkaroon pa sana kayo ng mga gimik para lalong ma-excite kami sa aming pakikinig."

Salamat sa iyo. Magkakaroon tayo niyan. Huwag kayong mainip.

Mula naman sa 920 950 2716: "Masayang Bati sa lahat diyan sa Beijing sa Year of the Rat. Hindi lang double happiness ang wish ko, a hundred fortune din. Tumanggap sana kayo ng mas marami pang biyaya."

Salamat. Same to you.

At iyan naman ang "Come Good Fortune" na lifted rin sa CRI's "Collection of Chinese Traditional Music."

Kung nakikinig ka, Manuela, Manuela Bornhauser ng Gachnang, Switzerland, natanggap ko na iyong padala mong recipe book at CD. Ganyan ba ako kalakas sa iyo, ha? Thank you and God love you.

Diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.