• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-06 15:58:53    
Tsina, sinimulang itatag ang sonang pangkabuhayan na bukas sa mga bansang Asean

CRI
Napagtibay at nasimulan nang pairalin kamakailan ng Pamahalaang Tsino ang Plano ng Pagpapaunlad ng Sonang Pangkabuhayan ng Beibu Bay sa Guangxi. Ayon sa plano, ang nasabing sonang pangkabuhayan ay inaasahang maitatatag bilang unang sonong pangkabuhayan ng Tsina na bukas, pangunahin na, sa mga bansang Asean.

Sa isang may kinalamang preskon, inilahad ni Pangalawang Premyer Zeng Peiyan ng Tsina na ang pagtatatag ng nabanggit na sonang pangkabuhayan ay isa pa ring mahalagang hakbangin ng kanyang bansa para mapalalim ang pagtutulungang Sino-Asean. Sinabi pa niya na:

"Kapansin-pansin ang bentaheng heograpikal ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi at nakaugnay ito sa mga bansang Asean sa pamamagitan ng lupa at dagat. Sa kasalukuyan, masigla ang pag-unlad ng kabuhayan ng Asya, lalung lalo na ng mga bansang Asean. Ang pagpapasulong ng pagbubukas at pag-unlad ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ay makakatulong sa pagpapabilis ng pagtatatag ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina't Asean o CAFTA at pagpapapasulong sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng magkabilang panig."

Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng pagtataguyod ng taunang China-Asean Expo o CAEXPO at Summit ng Tsina't Asean sa Negosyo at Pamumuhunan, lumalaki ang kahalagahan ng Guangxi sa pagpapasulong ng pagtutulungang Sino-Asean.

Napag-alamang ang sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ay sumasaklaw sa mga lunsod ng Guangxi na tulad ng Nanning, punong lunsod nito, Beihai, Qinzhou at Fangchenggang at masagana ang sona sa yamang mineral, yamang-dagat at yaman ng turismo at kumpleto rin ang network ng transportasyon ng sona sa lupa man, himpapawid o sa dagat.

Kaugnay ng pag-unlad ng sonang pangkabuhayang ito, ganito ang inilahad ni G. Ma Biao, Puno ng Guangxi.

"Sa hinaharap, buong-sikap na isusulong ang sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay bilang isang baseng Sino-Asean na mamamayagpag sa paghahatid ng kargo o logistics, pagkakalalalan at pagnenegosyo, pagpoproseso at pagpapalitan ng impormasyon."