• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-06 15:59:14    
Sarah Perrin at goma niya

CRI
Michelin ay isa sa mga pinakakilalang tagagawa ng goma sa buong daigdig. Kasabay ng paglapit ng 2008 Beijing Olympic Games, mga taong galing sa iba't ibang lugar ng buong daigdig ang pupunta sa Beijing para sa Olympiyada at maaaring sumakay sila ng bus ng Beijing na nakabitan ng goma ng Michelin. At ang lahat ng mga gomang ito ay nagmula sa kauna-unahang base ng produksyong itinatag ng Michelin sa Tsina--Michelin Shenyang Tires Co., Ltd o MSTCL. Ngayon, isasalaysay namin sa ninyo ang hinggil kay Michel Perrin, punong tagapangasiwa ng MSTCL.

Si Perrin ay 61 gulang na Pranses na nagtatrabaho sa Michelin Group noong nakaraang 35 taon. Nahirang siya bilang punong tagapangasiwa ng MSTCL noong 1995 nang maitatag ang MSTCL. Bakit si Perrin ang pumiling ng Shenyang? Ang sagot niya ay: hamon.

Bilang isang European, ipinalalagay ni Perrin na ang pagdanas ng kulturang Tsino at paglalahok sa konstruksyong pangkabuhayan ng Tsina ay isang karapat-dapat na pagsubok. Lalong lalo na, sa darating na ilang taong, palalawakin ang pagawaan ng Miechelin sa Shenyang para maging isa sa mga pinakamalaking base ng produksyon ng Michelin sa buong mundo at napakasigla ni Perrin hinggil dito.

"Sa kasalukuyan, ang mga goma na ginamit ng mga bus ng Beijing Bus Corparation ay galing sa aming kompanya. Kaya ang mga goma ng mga bus na gagamitin sa panahon ng Olympiyada ay mga goma namin at ikinararangal ko ito."

Bukod sa mga bus ng Beijing, hanggang sa kasalukuyan, ang mga bus sa Tianjin, Zhengzhou, Xiamen, Hangzhou at iba pang lunsod ng Tsina ay gumagamit ng Michelin goma. Sa termino ni Perrin, nakuha ng MSTCL ang maraming gantimpala na ginawad ng pamahalaan ng Shenyang at noong taong 2006, si Perrin mismo ang nahalal na model worker ng Shenyang. Siya ay tanging dayuhan sa mga tumanggap ng ganitong titulo sa panahong iyon.