Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.
Buksan natin ang ating Olympic hotline para sa Beijing Paralympic Games.
Gaya rin naman ng 2008 Beijing Olympics, ang naturang Paralympics na gaganapin mula ika-6 hanggang ika-17 ng Setyembre, kasunod ng Olympics, ay pinananabikan at pinagtutuunan din ng pansin ng mga tagapakinig ng Serbisyo Filipino.
Sa kanilang mga mensahe, ipinahayag ng mga tagapakinig ang kanilang opinyon hinggil sa Paralympics sa Beijing at Paralympics sa kalahatan, may kinalamang paghahanda ng Beijing para rito, mga espesyal na impraistruktura para sa mga manlalarong may kapansanan, at iba pa.
Sa pag-uusap namin sa telepono, sinabi ni Jonah Domingo na:
Si Jonah ay isang IT specialist mula sa Maynila.
Ang tinukoy naman ni Romulo de Mesa, sa pag-uusap din namin sa telepono, ay ang mga programa ng Tsina para sa mga
may-kapansanan na aniya ay siyang dahilan kaya naniniwala siyang magiging matagumpay rin ang Paralympics sa Beijing.
Si Romulo ay isa air-conditioning and refrigeration specialist mula sa Marinduque.
Sa ipinadala namang voice mail ng call center agent na si Pomett Ann ng Maynila at Singapore, ipinahayag niya ang kaniyang opinyon na ang Paralympics ay isang pagkakataon para maipamalas ng mga atletang may disability ang kanilang kakayahang kompetetibo sa mga palarong pandaigdig.
Sa isa ring voice mail, ipinahayag naman ni Joel Domingo ang kaniyang hangarin na magawang training centers para sa disabled athletes ang mga pasilidad na gagamitin sa Olympics at Paralympics pagkaraan ng mga palaro.
Si Joel ay nanunungkulan bilang software specialist sa isang kilalang kompanya sa Maynila.
Ngayon, tingnan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.
Sabi ng 919 426 0570: "Wish ko rin ang success ng Beijing Paralympics na parang sa Olympics din!"
Sabi naman ng 915 807 5559: "Looking forward ako sa malaking contingent ng Pilipinas sa Beijing Paralympic Games. Hindi dapat masayang ang galing ng mga Pinoy disabled players."
At sabi naman ng 917 401 3194: "Alam na alam ko na ang magandang presentasyon ng Beijing sa darating na Paralympics. See you in September!"
Mula sa SMS ng ating textmates, punta naman tayo sa snail mails at e-mails ng ating letter-senders.
Sabi ni Rio Nobleza ng Tanauan, Batangas: "Ang pagdaraos ng palaro sa Beijing para sa mga may-kapansanan ay isa sa mga pinakaaabangan ko. Isang magandang pagkakataon ito para sa mga kapatid nating may-kapansanan na maipakita na mayroon din silang magagawa sa buhay at hindi sila useless members of society. Kung tutuusin nga, mas marami pa sa atin ang masahol pa sa may-kapansanan kung kumilos."
Sabi naman ng e-mail ni Lutgarda Juinio ng Albay: "Kung gaano kaganda ang napi-picture kong pagdaraos ng Olympics ay ganoon din naman ang Paralympics. Alam ko na hindi mabibigo ang pag-asa ng sports lovers sa mundo sa ginagawang paghahanda ng Beijing para sa dalawang malaking sports competitions. Makaranasang-makaranasan ang Beijing dito."
Sabi naman ng e-mail ni Let Let Alunan ng Germany: "Kuya Ramon, umasa ka na all-out ang support namin sa Paralympic Games. Talaga namang dapat pagbuhusan natin ng panahon ito para hindi panghinaan ng loob ang mga athletes na may disability at ma-inspire pa iyong iba na sumali rin. Susundan namin ang development ng Paralympics from beginning to end."
Maraming salamat sa inyo, Let Let, Lutgarda at Rio at ganoon din sa inyo, Joel, Pommett, Romulo at Jonah. Salamat din sa lahat ng patuloy na nagpapadala ng SMS. May God love you all.
At iyan ang kabuuan ng ating Dear Seksiyong Filipino 2008 para sa gabing ito.
Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|