Mula noong Lunes hanggang Miyerkules, idinaos sa Chongqing, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-9 na pulong ng Magkasanib na Komiteng Pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN o CAJCC. Lumahok sa pulong ang mga opisyal mula sa ministring panlabas at 10 iba pang departamento ng Tsina, mga opisyal mula sa mga ministring panlabas ng 10 bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN. Lubos na hinahangaan sa nasabing pulong ang mga natamong bunga ng relasyong Sino-ASEAN pagkaraan ng pulong ng komiteng ito noong isang taon at tinalakay, pangunahin na, ang mga susunod na aksyon para sa pagpapatupad ng mga narating na komong palagay sa ika-11 Summit ng Tsina at ASEAN at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig. Binigyan ng mga bansang ASEAN ng mataas na pagtasa ang mga natamong positibong bunga ng kooperasyong Sino-ASEAN sa iba't ibang larangan at ipinahayag nilang nakahanda magsikap, kasama ng panig Tsino, para ibayo pang palalimin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at pasulungin ang double-win.
Sa pag-oorgnisa ng Civil Aviation Flight University of China, pangunahing pamantasan ng Tsina na nagsasanay ng mga piloto, sinimulan noong Lunes sa Lalawigang Sichuan sa timong kanlurang Tsina, ang isang training course ng pagsasanay ng mga piloto at mekaniko ng abiyasyong sibil para sa Laos. Ito ang kauna-unahang pagsasanay ng Tsina ng ganitong mga tauhan para sa Laos. Sa dalawang taong training course na ito, magkakaloob ang naturang pamantasan ng mga klase sa wikang Ingles sa 25 mag-aaral ng Laos at pagkatapos ng pag-aaral, magtatrabaho sila sa Lao Airlines bilang mga propesyonal na piloto at mekaniko. Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, sinanay na ng pamantasang ito ang mahigit 4 na libong tauhan ng abiyasyong sibil para sa Biyetnam, Kambodya, Timog Korea, Hapon at mga iba pang bansa.
Ipinahayag noong isang linggo ni Luo Chongmin, puno ng Kawanihan ng Edukasyon ng Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, na wini-welcome ang mas maraming estudyanteng Biyetnames na mag-aral sa Yunnan at ipagkakaloob ng kanyang lalawigan sa kanila ang mga hakbanging preperensyal na gaya ng scholarship. Sinabi ni Luo na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng Yunnan at Biyetnam ang maraming bunga sa mga aspekto ng pangangalap ng mga mag-aaral ng isa't isa, pagtutulungan sa pagpapatakbo ng paaralan at iba pa. Anya, kinakatigan ng Yunnan ang mga pamantasan at paaralang bokasyonal na patakbuin ang paaralan sa Biyetnam at palakasin ang pakikipagtulungan sa departamentong pang-edukasyon ng Biyetnam sa aspekto ng short-term training. Kasabay nito, patuloy na palalawakin ng Yunnan ang pakikipagtulungan sa Biyetnam sa pagsasagawa ng reporma sa edukasyon.
Pumuntan noong Miyerkules sa Chongqing, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang 57 mag-aaral na Thai para pasimulan ang kanilang dalawang taong pag-aaral sa Southwest University ng Tsina sa naturang lunsod. Ito ay palatandaang pormal na pinasimulan ang proyektong pangkooperasyon ng apat na taong kurso ng wikang Tsino ng naturang pamantasang Tsino at Khon Kaen University ng Thailand. Ang una at ika-4 na taon ng naturang mga mag-aaral sa pamantasan ay nasa Thailand at ang ika-2 at ika-3 taon ay nasa Tsina. Pagkaraang matapos ang pag-aaral, magbibigay ng certificate for bachelor's degree sa kanila ang kapwa pamantasan.
Pormal na pinasimulan noong Biyernes ng Confucius Institute sa Bansomdejchaopraya Rajabhat University ng Thailand ang ika-2 training course para sa mga guro ng wikang Tsino ng Thailand. Halos 200 guro mula sa 91 paaralan ng 29 na lalawigan ng Thailand ang lumahok sa klaseng ito na itinataguyod ng naturang Confucius Institute at Ministri ng Edukasyon ng Thailand. Ang training course ay naglalayong pataasin ang lebel ng wikang Tsino ng mga gurong Thai at palakasin ang kanilang kakayahan sa pagtuto ng wikang Tsino.
|