• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-10 14:32:23    
Li Baochun, buong sikap na nagbabago ng Beijing Opera

CRI
Noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, pumunta si Li sa ibayong dagat para hanapin ang bagong pag-unlad. Natamo niya ang mga titulo ng honorary Doctor ng Hilagang Institusyon ng Opera ng Italya, mamumukod na artista ng Asya ng Lincoln Center of the Performing Arts ng New York ng Estados Unidos. Mahusay si Li sa pagkuha ng kakanggata ng iba pang sining, nag-aral siya ng mga baong bagay ng iba't ibnag uri ng opera at musika at ginamit ang mga ito sa kaniyang pagtatanghal. Kaugnay ng kaniyang naturang karanasan, sinabi niya na,

"Nagmula ako sa laosheng noong bata pa ako at ang aking tatay ay laosheng din, kaya mabuti ang pundasyon ng aking Kongfu. Nanatili ako sa Estados Unidos sa mahabang panahon at pakaraan nito, pumunta ako sa Taiwan, nag-aral ako ng maraming bagay. Sa palagay ko, kailangan ng aming tradisyonal na sining ang ibayo pang pag-unlad."

Sinimulan mula noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, magkakasamang binuo ni Li at mga aktor ng Beijing Opera ng Taiwan ang "samahan ng bagong opera ng Taibei. Binago ng samahang ito ang mga tradisyonal na drama ng Beijing Opera na pinatili ang mga pinakamagandang bahagi at pinakamabuting palabas at kasabay nito, dinagdagan ng ilang epektong nakapagpapaginhawa sa pantinig at paningin. Sinabi ni Li na ito ay para matamo ang mas malawak na pagkilala ng lipunan. Sinabi niya na,

"Ang gusto naming gumawa ay dagdagan ng ilang bagong bagay ang mga tradisyonal na palabas na kinabibilangan ng bagong ideya at paraan ng modernong dulaan."

Sa pamamagitan ng pagbabago at pagtatanghal ng ilang palabas, pawang kinagigiliwan ito ng mga luma at bagong apisyunado ng Beijing Opera at laging tinatanggap nila ang papuri ng iba't ibang sirkulo. Bukod dito, nitong ilang taong nakalipas, palagiang nagtuturo si Li sa mga unibersidad ng Taiwan para palaganapin ang tradisyonal na sining at Beijing Opera ng Tsina at ang mga batong na aktor ng Taiwan ay nag-aral ng Beijing Opera sa klase ni Li.