• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-10 14:33:02    
Pamumuhay ni Belgian Johan Carette sa Tsina

CRI

Ang Chongzuo, isang lunsod sa Timog-Kanluran ng Rehiyong Automonong Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ay tinatawag na "Lunsod ng Manganese" dahil umabot sa halos 150 milyong tonelada ang reserba ng manganese dito at nananatili itong unang puwesto sa buong Tsina. Ilang taon na ang nakararaan, itinatag ng Eramet, groupo ng mining industry at metalurhiya, ang isang pagawaang mag-electrolyse ng manganese dioxide at ipinadala si Belgian Johan Carette dito bilang tagapangasiwa ng pagawaan.

Noong 2004, ipinadala si Johan sa Tsina para sa ginagawang paghahanda ng pagtatatag ng pagawaan. Sa simula, mahirap siyang umangkop sa pamumuhay sa Tsina. Sinabi niyang:

"Para sa akin, ang wika ay kauna-unahang sagabal ko dahil hindi ako nakapagsalita ng Tsino at ang aking mother tongue ay Pranses, salamat sa aking tagapagsalin, nakakaya na sa trabaho ko dito. Hinggil sa pagkain, ganap na nagkakaiba ang mga pagkain sa Belgium at dito, lalung lalo na ang paggamit ng chopsticks, napakahirap para sa akin."

3 taon na ang nakalipas at sa taong 2007, naisaoperasyon na sa wakas ang pagawaan. Naging mas abala si Johan at lagi siyang nagtatrabaho hanggang sa mga ika-21 bawat gabi sa kanyang tanggapan. Sa palagay ng kanyang mga kasamahan, si Johan ay isang taong naghahangad sa episiyensiya at pagkaperpekto. Sinabi ni Johan na bumibilis nang bumibilis ang pag-unlad ng Tsina at kailangan niyang buong lakas na magtrabaho para samantalahin ang mabuting pagkakataon. Sinabi niyang:

"Malaki ang espasyo para sa pag-unlad dito sa Tsina. Masipag ang mga Tsino at ito ay kanilang bentahe. Sa Europa, ang paglaki ng GDP ay mga 2% bawat taon, ngunit dito sa Tsina, ang paglaki nito ay lumampas sa 8% nitong ilang taon nakalipas, masigla ang kabuhayan ng Tsina."

Sa kanyang 3 taong pananatili sa Tsina, nakabisita si Johan sa maraming lunsod tulad ng kabiserang Beijing, sentrong pangkabuhayan at pinansyal na Shanghai, lunsod ng industriyang Taiyuan at Datong at iba pa.