Ang pagdaraos ng palaro sa Beijing para sa mga may-kapansanan ay isa sa mga pinakaaabangan ko. Isang magandang pagkakataon ito para sa mga kapatid nating may-kapansanan na maipakita na mayroon din silang magagawa sa buhay at hindi sila useless members of society. Kung tutuusin nga, mas marami pa sa atin ang masahol pa sa may-kapansanan kung kumilos.
Rio Nobleza Tanauan, Batangas
Kung gaano kaganda ang napi-picture kong pagdaraos ng Olympics ay ganoon din naman ang Paralympics. Alam ko na hindi mabibigo ang pag-asa ng sports lovers sa mundo sa ginagawang paghahanda ng Beijing para sa dalawang malaking sports competitions. Makaranasang-makaranasan ang Beijing dito.
Lutgarda Juinio Albay
Kuya Ramon, umasa ka na all-out ang support namin sa Paralympic Games. Talaga namang dapat pagbuhusan natin ng panahon ito para hindi panghinaan ng loob ang mga athletes na may disability at ma-inspire pa iyong iba na sumali rin. Susundan namin ang development ng Paralympics from beginning to end.
Let Let Alunan Germany
|