Bilang isang namamahalang tauhan, sa kaniyang paglalakbay, inoobersahan niya ang ginagawa ng pamahalaan ng iba't ibang lugar para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at ang epekto nito. Sinabi niyang noong bata pa, alam na niya ang Tsina mula sa mga larawan at libro at naghangad siya rito. Ngunit ang kaalaman niya ay limitado sa: ang Tsina ay pinagmulan ng matandang kultura at ang mga mamamayan ay sanay sa pagsasagawa ng isang bagay pagkatapos lamang ng lubos na pag-iisip. Nang tunay na nasa Tsina siya, saka natuklasan niyang ang lebel ng pagbubukas at modernisasyon ng Tsina ay lumampas sa kanyang guniguni. Lubos niyang pinahahalagahan ang patakarang pagbubukas sa labas ng Tsina. Sinabi niya na:
"Ang patakarang pagbubukas sa labas ng Tsina ay nakakabuti hindi lamang sa Tsina, kundi sa mga bansang kanluranin. Sa Belgian, mahirap ang pagtatatag ng pagawaang ganito, pero sa Tsina, madali sa anumang lunsod."
Ngayon, kahit hindi mahusay si Johan sa pagsasalita ng wikang Tsino, sa palagay ng kaniyang mga kasamahan, siya ay "kalahating dalubhasa" sa mga suliranin ng Tsina. Sinabi ni Cai Lanjuan, Asistente ni Johan na:
"Alam niya ang paraan ng gawain ng mga Tsino, halimbawa, sa pakikipag-usap sa mga supplier, alam ni Johan ang iniisip nila."
Ngayon, nakatira sa Shanghai ang pamilya ni Johan. Mula Lunes hanggang Biyernes, nagtatrabaho si Johan sa Chongzuo ng Guangxi at bumalik sa Shanghai bawat Sabado at Linggo. Ibig din ng kanyang pamilya ang Tsina at kinakatigan si Johan na magtrabaho dito.
|