• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-11 14:08:15    
Mayaman ang mga palabas ng dula sa kapistahang pantagsibol

CRI
Sa kapistahang pantagsibol ng taong ito, napakasigla ng pamilihan ng palabas sa Beijing. Marami mga mahusay na ang dula at iba't iba ang tema at estilo.

Sa kapistahang pantagsibol, muling ipinalabas ng tropa ng dala ng FengPing na pinamumuhunan ni Li Guoxiu, bantog na direktor ng dula sa Taiwan, ang dulang "Shamlet" para sa mga manonood ng Beijing. Ang samahang ito ay tanging inanyayahang tropa ng Taiwan sa unang panahon ng palabas ng National Grand Theatre at ang "Shamlet" ay kauna-unahan ring comedy na ipinalabas sa National Grand Theatre sa panahong ito.

Isinasalaysay ng "Shamlet" ang kuwento hinggil sa isang tropang panteatro sa kanilang pagtatanghal ng "Hamlet" sa iba't ibang lugar ng daigdig. Sinabi ni direktor Li Guoxiu na:

"Matagumpay kami dahil kay Shakespeare, salamat sa kanyang Hamlet at ito ang mabuting modelo ng aming dula. Sa dulang ito, may dalawang trahedya: higanti ni prinsipe Hamlet at relasyon ng mga miyembro ng tropa ng dula ng Fengping. Nagtipun-tipon ang mga tagpo at sa wakas naging isang comedy. Walang biro rito kundi kontradiksyon at kamalian sa pagitan ng mga papel." At umaasa siyang may natutuhan ang mga manonood sa dulang ito."

Pinapurihan ni manonood Wang Di ang dula na:

"Ang Shamlet ay binago mula sa Hamlet, ito ay pagsasanib ng tradisyon at modernisasyon. Nakakaakit ito at may malalim na realistikong katuturan. Malapit ito sa tunay na pamumuhay."

Ang Beijing People's Art Theatre ay isang teatro sa antas ng estado na may natatanging estilo sa palabas. Doon, ipinalabas naman ang mga dula sa panahon ng pistahan. Ang "Shi Jing San Guo" ay isang dulang binago mula sa "Romance of Three Kingdoms" ngunit lubos na ibang iba ang nilalaman ng dalawang dula.