Mga sangkap
300 gramo ng patatas 150 gramo ng asukal 20 gramo ng tubig 100 gramo ng tuyong cornstarch 500 gramo ng langis na panluto (1/5 lamang ang makukunsumo)
Paraan ng pagluluto
Talupan ang mga patatas at hiwa-hiwain sa pirasong 1 hanggang 2 sentimetro ang lapad at 2 hanggang 4 na sentimetro ang haba. Ilagay ang lahat ng mga piraso sa tuyong cornstarch at siguruhin na lubos na matatakpan ng cornstarch ang bawat piraso.
Initin ang langis na panluto sa temperaturang 180 hanggang 200 degree centigrade. Iprito ang mga piraso ng patatas hanggang maging ginintuang dilaw. Hanguin at patuluin.
Maglagay ng tubig sa kawa tapos ilagay ang asukal at pakuluan ito sa mahinang apoy. Kapag dilaw na ang asukal at bumubula na, ilagay kaagad ang mga piraso ng patatas. Halu-haluin hanggang pantay-pantay na mabalot ng pulot ang bawat piraso. Isalin sa plato na mayroon nang nilutong langis at isilbi.
Maglagay sa tabi ng plato ng isang mangkok ng malamig na tubig. Isawsaw muna sa tubig ang patatas bago isubo para hindi mapaso ang bibig.
Katangian: may kulay na ginintuang dilaw, malutong sa labas at malambot sa loob. Ang bawat piraso ng patatas ay magbibigay ng isang mahabang ginintuang sinulid ng pulot. Lasa: matamis at malambot.
|