• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-12 16:15:03    
Masaganang aktibidad na kultural sa Beijing

CRI
Mula Enero hanggang Marso, ipinapalabas ang "Lotus Flower" at ito ang dulang may malinaw na estilo ng Beijing People's Art Theatre. Nilikha ang dula ni bantog na manunulat Zou Jingzhi ng Tsina, naganap ang kuwento dito sa Beijing at ang lahat ng pangungusap ay diyalekto ng Beijing. Isinasalaysay ng dula kung papaanong unti-unting tumutungo sa kawalang-dangal at pagkawasak ang isang mag-asawa sa kanilang paghahangad sa yamang materyal.

Ang isang mamahaling antigo ay itinuturing na kanilang pag-asa sa pagbangon sa kahirapan at ito rin ay nakakasira sa kanilang mabuting damdamin sa kapwa. Sinabi ni Direktor Ren Ming na:

"Ipinapaalam nito sa aming ang pera ay nagsisilbing malaking pagsubok para sa amin. Kahit isinasalaysay ng dulang ito ang kuwentong naganap sa ika-2-3 dekada ng nagkaraang siglo, ngunit maaaring matuto ang mga manonood ngayon ng marami mula rito at papag-isipin ang mga manonood. isinasalaysay nito ang lumang kuwento, ngunit dinagdag nito ang modernong bagay."

Sa panahon ng kapistahang pantagsibol, ipinalabas ng Beijing People's Art Theatre ang isang dulang Amerikano, "Desire Under the Elms". Ito ang isa sa mga obra-maestra ni Eugene O' Neill, "Ama ng drama" ng Estados Unidos. Mahigpit na pinupuna ng dula ang "money worship" sa pamamagitan ng trahedya ng isang pamilya.

Bukod dito, ipinalabas naman ang mga dulang may iba't ibang estilo sa China Puppet Art Theatre, China Children's Art Theatre, Capital Theatre para makatugon sa kahilingan ng mga manonood sa iba't ibang antas.