• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-13 18:46:33    
Umid ang Dila, Pilosopo, Fan Wei Chi at Renee Liu

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Happy Birthday kay pareng Rodel ng San Andres. Pasensiya ka na, pare,ngayon lang kita nabati. Dapat nung isang linggo pa. Anyway, better late than never. Binabati kita sa ngalan ng Iridium boys.

Narinig ninyo ang opening natin, "Umid ang Dila" nina Fan Wei Chi at Renee Liu. Alam ba ninyo kung ano ang pamagat ng album na pinagkunan niyan? "Pilosopo."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Mayroon tayong e-mail mula kay Rolly de Mesa ng 3M Philippines Guadalupe, Makati City. Sabi: "Kahit malayo pa e binabati ko na kayo ng Happy Chinese New Year. Sabi nila Year of the Rat daw ngayon. Ito raw ang tamang panahon para simulan ang ating projects. Ito rin daw ang time na puno ng surprises. Anong malay niyo baka meron tayong tanggaping malaking sorpresa mula sa ating kaibigan. Best of luck sa inyo!"

Salamat, Rolly, sa iyong e-mail. Si Rolly ay isang kaibigan mula pa noong high school.

Mula naman sa album na pinamagatang "Duets," iyan ang awiting "True Love" nina Kiki Dee at Elton John.

Punta naman tayo sa Dinalupihan, Bataan. Sabi ni Alex Roman ng nabanggit na lalawigan: "Ngayong 2008, iwasan nating maulit ang mga pagkakamali natin noong 2007. Dapat bawat taon ay may improvement sa ating buhay. Pilitin nating mag-make-up sa mga pagkukulang natin sa ating kapuwa. Pilitin nating iwaksi ang masamang bisyo. Pilitin nating gumawa ng mga bagay na constructive.

Salamat sa e-mail, Alex.

Iyan naman ang Chicago sa awiting "Hard To Say I'm Sorry" na lifted sa "Chicago XXX" album.

SMS mula sa 919 651 1659: "Lagi akong nakikinig sa inyong Gabi ng Musika.

Ito ay programang nakakapagpasaya ng pamilya. Ito ay programang nakakapagpaalis ng sakit ng ulo at nakakapagpalimot ng problema."

Thank you.

Mula naman sa 919 426 0570: "Nagustuhan ko iyong background music ninyo sa inyong New Year's program. Ito ay iyong May the Good Lord Bless and Keep You ni Jose Marie Chan. Ganundin ang wish ko sa inyo sa Year of the Rat.

Thank you rin at God love you.

"Ai No Corrida," inawit ni Quincy Jones at lifted sa "Jazz Moods Volume 1" album.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting pagtatanghal para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.