• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-13 18:54:26    
Sonang Pangkabuhayan ng Beibu Bay, humaharap sa mga bansang ASEAN

CRI
Sinabi naman ni G. Zhai Kun, dalubhasa sa mga isyung may kinalaman sa Timog-Silangang Asya mula sa CICIR, China Institute of Contemporary International Studies, na:

"Ang sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ay ang siyang tanging ganitong sona sa pambansang antas na nakatuon sa mga bansang Asean, kaya, sa pagbalangkas ng mga patakaran at pagpaplano hinggil sa pag-unlad nito, isasaalang-alang ang pangangailangan ng mga bansang Asean. Magsisilbi itong magandang plataporma para makapasok sa pamilihan ng magkabilang panig ang mga bahay-kalakal na Tsino at Asean."

Napag-alamang ang pag-unlad ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ay magpapasulong ng sub-rehiyonal na pagtutulungang Sino-Asean na tulad ng pagtutulungang pangkabuhayan ng Pan Beibu Bay.

Sa summit bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina't Asean noong taong 2006, nagharap si Premyer Wen Jiabao ng Tsina ng proposal na may kinalaman sa paggagalugad ng posibilidad ng pagsasagawa ng pagtutulungang pangkabuhayan ng Pan Beibu Bay.

Sa kasalukuyan, ang mga kinauukulang bansa na kinabibilangan ng Tsina, Biyetnam, Malaysiya, Singapore, Indonesiya, Pilipinas at Brunei ay bumuo na ng espesyal na grupo para matalakay ang hinggil sa posibilidad ng nasabing pagtutulungan.

Si G. Xu Ningning, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng China-Asean Business Council, ay isa sa mga dalubhasa na bumalangkas ng Ulat hinggil sa Posiblidad ng Pagtutulungang Pangkabuhayan ng Pan Beibu Bay.

Sinabi niya na ang pagpapairal ng Plano ng Pagpapaunlad ng Sonang Pangkabuhayan ng Beibu Bay sa Guangxi ay magpapasulong ng pagtutulungang Sino-Asean. Sinabi pa niya na:

"Ang mga sub-rehiyonal na pagtutulungan ay gumaganap ng mahalagang papel sa panlahat na pagtutulungang Sino-Asean. Ang pagtutulungan ng Pan Beibu Bay ay saklaw sa Tsina at anim na bansang Asean at magkokompliment ito sa pagtutulungang Sino-Asean sa Greater Mekong Subregion o GMS. Ang pagpapairal ng Tsina sa nasabing plano ay nagpapakita ng pagkatig nito sa pagtutulungang pangkabuhayan ng Pan Beibu Bay."