Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.
Nagsimula na ang NPC at CPPCC. Nagbukas ang NPC noong Miyerkoles at iyong CPPCC naman ay noong Lunes.
Ang NPC o Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ay ang punong lehislatura at organo ng kataas-taasang kapangyarihan ng Tsina. Ang tungkulin nito ay sumasaklaw sa paggawa at pagrerebisa ng mga batas, pagsususog sa konstitusyon, pagsusuperbisa sa Kataastaasang Hukuman at Prokuratora, pagsasagawa ng mga hakbangin na may kinalaman sa pambansang isyu at iba pa.
Ang CPPCC o Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino naman ay hindi isang organo ng estado, pero hindi rin naman ito isang pangkaraniwang civic organization. Ito ay isa sa dalawang porma ng multipartidong kooperasyon at kosultasyong pulitikal ng bansa. Ang mga kagawad nito ay maihahalintulad sa "resource persons in aid of legislation" ng mga kongreso ng ibang mga bansa.
Nang tanungin kung ano ang pagkakakilala niya sa NPC at CPPCC, sinabi ni Pete Figueras ng Dubai na:
"Ang pagkakakilala ko sa NPC ng China ay ito ay isang legislative body na may distinctive characteristic although ang main function nito ay katulad din ng sa mga congress at parliament ng ibang bansa. Maikli lang ang session period nito pero halos kasing-dami rin ang accomplishments sa accomplishments ng counterparts nito sa ibang bansa. Bakit? Kasi mas less ang debate along political line dahil nakapokus ang mga representatives sa interest ng bansa. Parang wala na ngang halong politics sa kanilang mga talakayan. More on cooperation sila than fiscalization. Ito namang CPPCC, gaya ng pinakakahulugan ng pangalan nito, ay tumutulong sa NPC sa mga consultation in aid of legislation. Parang nagko-complement sila sa isa'at isa."
Si Pete ay isang human resources manager ng isang pribadong kompanya sa United Arab Emirates.
Sabi naman ni La Trixia Landicho ng Makassar, Indonesia, ang NPC ay isang kongreso na binubuo ng mga kinatawang tapat sa bayan at ang tanging hangad ay kabutihan lamang ng bansa.
"Sa pagkakaalam ko, itong National People's Congress ng China ay isang kongreso na ang attitude ay walang bahid ng pulitika at ang mga kinatawan ay walang vested interest. Malakas na malakas ang kanilang spirit of cooperation at malaki ang kanilang malasakit sa bayan kaya siguro walang nasasayang na oras sa kanilang mga pagmi-meeting at laging marami silang natatapos. Itong CPPCC naman ay katuwang ng NPC sa paggawa ng batas at more or less katulad din sa NPC ang attitude ng mga miyembro nito kaya mahigpit na nakapagtutulungan sila."
Si La Trixia ay isang English teacher sa Montessori School sa Makassar, Indonesia.
Sabi naman ni Butch Pangilinan ng Subic Bay Port Authority, ang NPC at CPPCC ay lihim na hinahangaan ng mga mamamayan ng ibang bansa dahil alam aniya nila na ang dalawang ito ay tunay na kumakatawan sa lehitimong interes ng Tsina…
"Ako naman, ang pagkakakilala ko sa NPC ng China ay ang Kongresong ito ay lihim na hinahangaan ng ibang bansa dahil alam nila na ito ay kumakatawan at nangangalaga sa lehitimong interes ng mga mamamayan ng China. Natitiyak ko na pareho rin ang impresyon ng mundo sa CPPCC dahil ito ang kapartner ng NPC sa pag-alam ng tunay na nararamdaman ng masa."
Si Butch ay isang security officer sa Subic Bay Port sa Zambales.
Talagang pagtutuunan ng pansin ng mundo ang kasalukuyang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina dahil dito sa sesyong ito ihahalal ang bagong Pangulo ng Tsina at pipiliin ang Premyer at Vice-Premyer at iba pang opisyal ng Konseho ng Estado. Bukod dito, diringgin din ang government work report, isasaayos ang gabinete, pagtitibayin ang pambansang plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan at budget ng pamahalaang sentral at lokal at iba pa.
Ngayon tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng mga SMS ng ating textmates.
Mula sa 0041 787 882 084: "Greetings sa NPC at CPPCC! Maraming isyu ngayong taon. Marami kayong matatalakay. Tiyak na bising-busy kayo sa buong period na mayroong session. I wish you good luck!"
Mula naman sa 0086 138 1140 9630: "Dapat pag-usapan sa NPC session ang mga isyung may kinalaman sa kababaihan. Alam niyo naman siguro na laging underdog ang mga babae. Marami rin silang contribution sa society—sa totoo lang."
At mula naman sa 917 483 2281: "Pag-usapan sana sa NPC ang climate change. Lahat tayo ay apektado nito."
Ngayon, tingnan naman natin ang mga liham nina Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales at Emmy Panajon ng Florante, Pandacan, Manila.
Sabi ni Pablo: "Dear Kuya Ramon, alam ko na isa sa mga araw na ito ay magbubukas na ang NPC. Malaki ang pag-asa ko sa Kongresong ito at malaki ang aking tiwala. Mahirap nang makakita ng ganitong mga mambabatas sa panahong ito.
Sabi naman ni Emmy: "Dear Ramon, ikumusta mo na lang ako sa mga lawmakers ng China. Good luck sa kanilang legislative work. Sana ma-update nila ang mga batas na dapat ma-update bago matapos ang session. Gusto kong pag-usapan nila ang intellectual property rights. Dito nalulugi ang film industries ng mundo atsaka recording companies. Sana pag-usapan din ang tungkol sa human and drug smugglings. Maraming buhay ang nasisira dahil sa dalawang ito."
Maraming salamat sa inyo, Pablo, Emmy at ganun din sa inyo, Pete, La Trixia at Butch.
At iyan ang kabuuan ng edisyon sa araw na ito ng Dear Seksiyong Filipino 2008. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|