Binuksan noong Miyerkules sa Beijing ang kauna-unahang diyalogo ng mga mataas na iskolar sa suliraning pandepensa ng Tsina at ASEAN. Ang naturang diyalogo ay idinaos para ipatupad ang kinauukulang mungkahi ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya noong Nobyembre ng nagdaang taon. Sa pagtataguyod ng Acadamy of Military Science ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina, tumagal nang 3 araw ang naturang diyalogo. Nakipagpalitan ng palagay sa mga eksperto ng PLA ang mahigit 20 eksperto sa suliraning pandepensa at military attache sa Tsina mula sa 10 bansang ASEAN hinggil sa temang "modernisasyon ng tropa at pagtitiwalaang panrehiyon". Pagkaraan ng diyalogo, bumisita rin ang naturang mga eksperto sa isang kampo ng PLA.
Napag-alaman noong Miyerkules ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-Asean Business and Investment Summit (CABIS) na ang tema ng ika-5 CABIS ay "malawakang pananaw at aktibong aksyon". Kaugnay ng temang ito, ipinaliwanag ng nasabing sekretaryat na ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean ay mahalagang pagpili para sa pagsasakatuparan ng mas mahigpit na kooperasyong pangkabuhayan na may mutuwal na kapakinabangan ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito. Dapat isagawa ng mga pamahalan, samahang komersyal at bahay-kalakal ng iba't ibang bansa ang aktibong aksyon para maisakatuparan ang target ng win-win situation batay sa mas malawakang pananaw.
Sa ika-7 pulong ng Konseho ng UN sa Karapatang Pantao na idinaos sa Geneva, sinabi noong Huwebes ni Shen Yongxiang, Pangalawang Puno ng delegasyong Tsino, na ang pundamental na paglutas sa isyu ng Myanmar ay, pangunahin na, depende sa sariling pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar. Sinabi ni Shen na ang isang Myanmar na matatag ang pulitika, maunlad ang kabuhayan, maharmonya ang lipunan at sulong ang demokrasya ay angkop sa kapakanan hindi lamang ng lahat ng mga bansa ng Timog Silangang Asya, kundi rin ng buong komunidad ng daigdig. Anya, ipinalalagay ng Tsina na natamo ng Myanmar ang positibong progreso sa pagsasagawa ng 7 puntong roadmap to democracy. Tinukoy niyang ang maagang pagtanggap ng Myanmar ng pagdalaw ng espesyal na tagapayo ng Pangkalahatang Kalihim ng UN hinggil sa isyu ng Myanmar ay nagpapakita ng katapatan nito sa pakikipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig.
Isiniwalat noong Lunes ng may kinalamang namamahalang tauhan ng Police Officer Institute ng Yunnan na nagsimula kamakailan ang 15 mataas na opisyal ng Myanmar sa pakikibaka sa droga ng kanilang pag-aaral sa institutong ito. Ayon sa pagsasalaysay ng naturang tauhan, ipinadala nang maraming beses ang opisyal ng Myanmar sa Yunnan para mag-aral ngunit ang karamihan nila ay opisyal sa mababa at panggitnang antas at ang lahat ng kasalukuyang ipinadadala ay opisyal sa mataas na antas at ipinakikita nitong ibayo pang lalalim ang kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa larangan ng pakikibaka sa droga. Hanggang sa kasalukuyan, sinanay na ng Yunnan ang mahigit 400 opisyal sa pakikibaka sa droga para sa may kinalamang bansa.
Sa ngalan ng pamahalaan ng Biyetnam, iniabot noong Biyernes ng embahador ng Biyetnam sa Tsina kay asistenteng ministrong panlabas He Yafei ng Tsina ang 250 libong Dolyares na abuloy para sa rekonstruksyon sa mga lugar ng timog Tsina na sinalanta ng pananalasa ng ulan, niyebe at pagyeyelo. Nagpahayag ang panig Tsino ng pasasalamat sa panig Biyetnames para rito.
Idinaos noong Martes sa Bangkok ng Ministri ng Edukasyon ng Thailand at embahada ng Tsina sa Thailand ang bangkete bilang pamamaalam sa mga boluntaryong guro ng wikang Tsino mula sa Tsina.
|